Pagbubukas ng Boracay sa mga Turista, ikinatuwa ng TCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 570 total reads

Ikinatuwa ng grupong pangturismo ang pag-usad ng rehabilitasyon sa isla ng Boracay.

Ayon sa Tourism Congress of the Philippines, nakikiisa ito sa hangarin ng pamahalaan na maisaayos ang kapaligiran ng buong isla para sa kapakanan ng mamamayan at mga turistang dadayo sa lugar.

Iginiit ni Jose Clemente III, Pangulo ng TCP na magkapareho man ng layunin ang kanilang grupo at pamahalaan ay iba ito sa kanilang pananaw dahil sa biglaang desisyon na isara sa publiko ang Boracay para sa rehabilitasyon.

“Sa pananaw ng gobyerno kasi ang ginawa nila parang biglaan, ang samin kung gagawin yan sa buong bansa dapat talaga ay nakalapat ang plano para tuloy-tuloy ang trabaho mabilis magagawa.” pahayag ni Clemente sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng Opisyal na marapat lamang manatiling malinis ang buong kapaligiran lalo na ang mga lugar pasyalan sa bansa upang maging kaaya-aya sa mga bisita.

Magugunitang ika – 26 ng Abril ng ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsara sa isla ng Boracay para sa rehabilitasyon makaraang nakitaan ng paglabag sa batas pangkalikasan ang higit isandaang establisimiyento.

Sa muling pagbubukas ng Boracay sa ika – 26 ng Oktubre ay mahigpit na ipatutupad ng lokal na pamahalaan ang mga ordinansang pipigil sa makalat na kapaligiran tulad ng pagbabawal sa plastic, paninigarilyo, pag-iinom ng alak at pagpa-party sa tabing dagat.

Bukod dito ay lilimitahan din ang papasok na mga turista sa 6,000 kada araw upang hindi maging over crowded ang Boracay na isa sa naging sanhi ng polusyon sa lugar.

Umaasa naman ang Simbahang Katolika na tatalima ang bawat mamamayan at dayuhang turista sa mga batas na ipatutupad upang maiwasang maulit muli ang pagkasira ng isla na higit nakakaapekto sa mga residenteng naninirahan dito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 75,265 total reads

 75,265 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 123,042 total reads

 123,042 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 170,913 total reads

 170,913 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 274,860 total reads

 274,860 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 357,453 total reads

 357,453 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top