Caritas Manila, nagpapasalamat sa mga suporta sa Celebrity bazaar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 660 total reads

Nagpasalamat ang Caritas Manila sa mga nakiisa sa isinagawang Celebrity Bazaar sa SM Megamall noong ika – 18 ng Oktubre.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas, malaki ang maitutulong ng nasabing gawain para sa mga estudyanteng tinutulungan ng organisasyong makapagtapos sa pag-aaral.

“Yung maitinda natin ay itutulong natin sa ating Caritas YSLEP Scholarship program upang makapagtapos sa pag-aaral.” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Unang pinasalamatan ng Pari ang mga Celebrities sa pangunguna ni Heart Evangelista – Escudero ang brand ambassador ngayong taon, na nagbigay ng donasyong gamit tulad ng bag, sapatos, at mga damit dahil sa kanilang pagtulong-tulong upang maisakatuparan ang ikalawang edisyon ng celebrity bazaar.

Bukod dito ay pinasalamatan din ni Fr. Pascual ang pamunuan ng SM Supermalls sa pangunguna ni Steven Tan ang Chief Operating Officer ng SM Supermalls dahil sa libreng pagpagamit sa SM Megamall Atrium na pinagdausan ng bazaar.

Batay sa tala ng pamunuan Caritas Segunda Mana umabot sa 2 milyong piso ang kinita ng bazaar na malaking halaga na makatutulong sa mga kabataang scholar ng YSLEP.

Ang scholarship program na ito ay isa lamang sa mga programa ng Caritas Manila na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan bilang Simbahang kumikilos sa pagtataguyod ng buhay ng bawat mananampalataya.

Tiniyak din nito ang patuloy na pagsusulong ng mga programang makatutulong partikular sa mga maliliit na sektor sa Pilipinas.

Ang celebrity bazaar ng Caritas Segunda Mana ay isinasagawa kada dalawang taon kung saan nagsimula ito noong 2016 at itinanghal na brand ambassador si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Read: Caritas Manila, umaapela ng suporta para sa Celebrity Bazaar

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 9,956 total reads

 9,956 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 230,574 total reads

 230,574 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 265,247 total reads

 265,247 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 281,147 total reads

 281,147 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 316,934 total reads

 316,934 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top