Simbahan, aktibong tumutulong sa mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total reads

Tiniyak ng isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na tumutulong ang Simbahang Katolika sa mga Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, may mga programa ang iba’t ibang Diyosesis na tumutugon sa pangangailangan ng mga OFW partikular ang mga nakararanas ng paghihirap sa ibang bansa at maging ng mga pamilyang naiwan sa Pilipinas.

“Our Diocesan migrant Ministries have Scholarships programs for the Children of our OFW’s especially whose Parents suffered difficulties, repatriation.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay sa pagpapauwi sa ilang OFW dahil sa hindi magandang nararanasan sa ibayong dagat tulad ng mahigit isanlibong manggagawa sa isinarang Azmeel Contracting Corporation sa Al Khobar Saudi Arabia, mga napalayang Filipino Seamen sa Nigeria at ang 22 OFW truck drivers na nasagip ng mga otoridad sa Padborg Denmark.

Ayon kay Bishop Santos, bukod sa scholarship para sa mga kabataan ay maari ring makinabang ang mga OFW sa mga programang pangkabuhayan at makalapit sa mga kooperatiba upang makahiram ng pampuhunan sa hanapbuhay na ipupundar.

Batay sa ensiklikal ni Saint Pope Paul VI na Populorum Progressio na nailathala noong ika – 26 ng Marso 1967, binigyang diin dito na alinsunod sa turo at misyon ng Panginoong Hesukristo na i-angat ang pagkatao ng bawat indibidwal ay tinutugunan ng Simbahan ang pangangailangan ng mga naisasantabing sektor ng lipunan.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority mahigit sampung milyong Filipino ang nangingibang bansa upang maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya sa Pilipinas kung saan marami dito ang nakararanas ng pananamantala at kakulangan sa benepisyong ibinibigay ng kanilang mga employer.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 14,554 total reads

 14,554 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 235,172 total reads

 235,172 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 269,845 total reads

 269,845 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 285,745 total reads

 285,745 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 321,226 total reads

 321,226 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top