Caritas Manila, nanawagan ng suporta sa pagtaguyod ng YSLEP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 445 total reads

Hinimok ng pari ang mamamayan na makiisa sa pagtugon sa pangangailangan ng mahihirap lalo na sa mga kabataan na nais makapagtapos sa pag-aaral.

Ayon kay Rev. Fr. Ric Valencia, ang namumuno sa Caritas Manila Disaster Risk Reduction and Management Program, mahalaga ang ginagampanang tungkuling ng bawat isa na tumugon at makiisa sa mga gawain ng Simbahan na kumakalinga sa mga dukha sa lipunan.

“Sa atin pong mga Kapanalig ako po ay nanawagan bilang in-charge din ng Caritas Damayan na tayo po ay makiisa at tumulong sa pagpapalaganap ng ating mabubuting gawain patungkol sa pagtutulong sa ating mga scholar,” bahagi ng pahayag ni Fr. Valencia sa Radio Veritas.

Ang panawagan ng Pari ay kaugnay sa pagbubukas ng Segunda Mana Expo ng Caritas Manila sa Starmall EDSA Mandaluyong kung saan tampok dito ang mga Segunda Manong mga kagamitan mula sa mga kilalang personalidad tulad ng mga artista.

Itinatampok dito ang mga gamit tulad ng mga damit, bag at sapatos na donasyon ng mga kilalang personalidad gaya nina Heart Evangelista, Alden Richard, Iza Calzado, Toni Gonzaga, Vice Ganda at marami pang iba.

Ang Segunda Mana Celebrities and Personalities Bazaar ay magtatagal ng tatlong araw o hanggang Linggo ikalabingwalo ng Nobyembre sa ikalawang palapag ng Starmall.

Ang malilikom na pondo ay ilalaan para tustusan ang pag-aaral ng mga scholars ng Caritas Manila sa ilalim ng Youth Servant Leadership Program.

“Itong ating expo naman ay naging purpose po naman ay para sa ating mga scholar, alam naman ng lahat na tayo ay may ini-maintain na mga scholar mga 5, 000 sila lahat sa buong kapuluan ng Pilipinas lalo na doon sa mga lugar na mahihirap at isa sa mga pinagkukunan ng pondo para sa kanila ay itong expo,” dagdag ni Fr. Valencia.

Ang mga gawain ng Caritas Manila, ang social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila ay patunay na patuloy ang pagkilos ng Simbahan para kalingain ang mga dukha sa lipunan at ipadama ang tunay na pag ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabahaginan.

Sa tala ng Caritas Manila YSLEP nasa limang libong mag aaral sa buong bansa ang tinutustusan na kinabibilangan ng mga katutubo at mga kabataang mula sa ibang pananampalataya gaya ng Muslim.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 56,241 total reads

 56,241 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 105,434 total reads

 105,434 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 153,307 total reads

 153,307 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 257,254 total reads

 257,254 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 340,513 total reads

 340,513 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top