Light the world campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 507 total reads

Mahalaga ang pagtutulungan ng bawat mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at pananampalataya.

Ito ang pinatunayan ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints sa paglunsad ng kampanyang Light the World kung saan isa sa mga napiling partner ay ang Caritas Manila, ang social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Sa pahayag ni Elder Michael John Teh, member of the Philippine Area Presidency ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints, iisa lamang ang layunin ng kanilang Simbahan at ng Caritas Manila ang tulungan ang mga nangangailangan sa pamayanan.

“Ang partnerships ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints and the Catholic Church has gone on for many many years. We have great respect for them and the love for the people and so we were really enjoy working with them [Caritas Manila],” bahagi ng pahayag ni Elder Teh sa Radio Veritas.

Layunin ng Light the World campaign ang himukin ang mamamayan na magsasgawa ng kawanggawa, at tumulong sa pag-angat ng pamumuhay at pangangailangan ng mga dukha sa lipunan.

Dito ay maaring magbigay ng mga donasyon sa pamamagitan ng isang vending machine kung saan makapipili ang mga nagnanais magbahagi ng biyaya ng benipisyaryo o mapupuntahan ng kanilang tulong.

Ayon kay Elder Teh, isa rin itong paraan na mabigyang pagkakataon ang mamamayan na makapagbahagi sa kapwa.
“We are both very excited kasi it gives avenue to many other people kahit yung sa mga taong palagay nila wala silang oportunidad na magsilbi o magbigay, makikita nila na may kakayanan sila na tumulong,” dagdag nito.

CARITAS MANILA’S PROGRAM

Ikinatuwa naman ng Caritas Manila ang pakikipag-ugnayan ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints sa institusyon ng Simbahang Katolika na ang hangarin ay tulungan ang mga mahihirap na makaahon sa karukhaan.

Sa pahayag ni Marie Kiel Fernandez, ang Stewardship Division Head ng Caritas Manila ang maiipong tulong mula sa Light the World Giving machines ay ibabahagi sa mga programa ng Caritas Manila.

“Ang giving machine po ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints ay mapupunta po sa iba’t ibang programa ng Caritas Manila na naglalayong tumulong sa ating mga kababayang mahihirap,” bahagi ng pahayag ni Fernandez.

Nangunguna pa rin dito ang mga pagbibigay ayuda sa mga kabataan iskolar ng Caritas Manila sa ilalim ng Youth Servant Leadership Program na may 5, 000 estudyanteng kabataan na tinutulungan sa buong bansa.

Bukod dito, ay may ilalaan din sa mga feeding program ng Simbahan, mga kagamitang medikal at pangkarpentero na para naman sa Caritas Damayan ang disaster response ng Simbahang Katolika.

Ibinahagi ni Fernandez na matagal na ang pagtutulungan ng dalawang Simbahan para sa ikaaangat ng pamumuhay ng mga mahihirap na sektor sa bansa.

Katunayan napiling benipisyaro ang Caritas Manila noong 2016 sa konsiyerto ni Lea Salonga sa pangunguna ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints at noong ipinagdiriwang ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang ika – 60 kaarawan ay malaki rin ang iniambag ng institusyon para sa mga estudyanteng iskolar ng Simbahan.

PAANYAYA SA MAMAMAYAN

Dahil dito, kapwa inaanyayahan nina Elder Michael John Teh at Kiel Fernandez ang mamamayan na makiisa sa adhikain ng Light The World Giving Machine campaign upang mabigyang kasiyahan ang mga mahihirap na komunidad sa darating ng Kapaskuhan.

Sa pahayag nga ni Elder Brent H. Nielson, senior leader ng Simbahan ito ang magandang pagkakataon na mabigyang oportunidad ngayong Kapaskuhan na maipalaganap ang pag-ibig, kaligayahan at pag-asa sa bawat isa sa tulong ng liwanag na dala ng ating Manunubos.

Ang mga Light the World Giving Machine ay matatagpuan sa Upper Ground Floor ng SM Megamall Building A mula ika – 23 ng Nobyemre hanggang ika – 31 ng Disyembre.

Bukod sa Caritas Manila katuwang din ng institusyon ang UNICEF Philippines at Purple Centers Foundation para naman sa kanilang mga proyekto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 4,920 total reads

 4,920 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 225,539 total reads

 225,539 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 260,212 total reads

 260,212 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 276,112 total reads

 276,112 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 312,254 total reads

 312,254 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top