Simbahan, tutol sa Organ Donor Act

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 797 total reads

Nanindigan ang Simbahang Katolika na nararapat pahalagahan ang buhay at katawan ng tao sapagkat dito nananahan ang Banal na Espiritu.

Ito ang pahayag ni Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops Conference of the Philippines hinggil sa panukalang Organ Donor Act na isinusulong ni Senator Richard Gordon.

Batay sa panukala, otomatikong kukunin ang mga mapapakinabangang internal organ ng tao kung idineklarang braindead ang pasyente.

“We consider the human body as the temple of the Holy Spirit, so hindi mo talaga puwedeng basta-basta kunin mo lang kung ano yung mga bahagi ng tao. That’s going to be considered as mutilation, dismembering their body so hindi ‘yan pinahihintulutan ng Simbahan,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Pari na ang braindead na tao ay hindi itinuturing na patay ng Simbahan sapagkat naniniwala ito sa posibilidad na maaring mabuhay sa tulong ng mga panalangin at himala ng Panginoong Diyos.

Pinangangambahan ni Father Secillano ang kahihinatnan kapag nakukuha ang mga viable organ ng tao kung ito ba ay nasasalin sa tamang mga pasyente dahil maaari itong pagkakakitaan ng mga mapagsamantalang indbidwal.

ELUANA ENGLARO CASE SA ITALY
Ibinahagi ni Father Secillano ang kaso ni Eluana Englaro sa Italya na na-comatose matapos maaksidente habang nagmamaneho ng sasakyan noong 1992.

Ninais ni Beppino Englaro, ang ama ng biktima na payagan ng pamahalaan na mabigyang karapatan ang anak na mamahinga dahil sa kawalang pag-asa na mabuhay subalit mariin itong tinutulan ng Simbahang Katolika sa Vatican dahil labag ito sa kautusan ng Panginoon at pinangangambahang tuluyang maisabatas ang Euthanasia o mercy killing.

Sa pahayag ni Englaro, iginiit nitong habilin ni Eluana na kapag dumating ang sitwasyong mag-aagaw buhay ito ay pipiliin nitong mamamahinga subalit hindi ito kinatigan ng korte sa loob ng 17 taon.

Ipinaliwanag ni Cardinal Javier Lozano Barragán, tagapagsalita ng Vatican hinggil sa pangkalusugan na ang pag-alis sa feeding tube na bumubuhay kay Eluana ay hindi makatao at maituturing na pagpaslang.

Ang kaso ni Eluana Englaro ay nagdulot ng pagkakahati-hati ng ilang mambabatas ng Italya at Vatican dahil sa magkakasalungat na pananaw at paniniwala.

Pebrero 2009 nang tuluyang pumanaw si Eluana makaraang alisin ang feeding tube sa isang pribadong klinika sa Udine, Italy ang bukod tanging tumulong mabigyang karapatang mamatay ang pasyente.

ORGAN DONATION
Nilinaw naman ni Father Secillano na ang pagdo-donate ng mga organ tulad ng mata at kidney ay kinokonsidera ng Simbahang Katolika lalo na kung ito ay makatutulong para madugtungan ang buhay ng isang tao.

“Organ donation is okay in some other instances katulad nga ng makakapag extend ng buhay as long as hindi ka naman maapektuhan,” ani ni Fr. Secillano.

Nilinaw ng Veritasan Program host na dapat isaalang-alang ang sariling pangangatawan bago mag-donate sa iba dahil kung ito ay makasasama sa sariling katawan ay hindi ito pinahihintulutan ng Simbahan dahil maituturing itong suicide.

Dahil dito nanawagan si Fr. Secillano sa mga mambabatas at mga opisyal ng pamahalaan na pag-aralang mabuti ang pagbabalangkas ng batas lalo na kung ito ay may kinalaman sa buhay ng tao upang mapapanatili ang pagtataguyod at paggalang sa dignidad ng bawat indibidwal.

Hinimok pa ng Pari ang mga mambabatas na sumangguni sa iba’t-ibang grupo o institusyon kabilang na ang Simbahang Katolika sa pagbuo ng mga panukala upang magkaroon ng linaw ang direksyon ng batas.

Batay sa tala ng National Kidney and Transplant Institute nasa 25,000 ang mga pasyenteng nangangailangan ng kidney transplant subalit 500 lamang ang mga donors.

Matatandaang sa ensiklikal ni Pope Paul VI na Humane Vitae na inilathala noong ika – 25 ng Hulyo 1968, iginiit nitong dapat magkaisa ang bawat mananampalataya sa paninindigan sa paggalang sa buhay mula sa paglilihi hanggang sa natural na kamatayan ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 4,921 total reads

 4,921 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 225,540 total reads

 225,540 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 260,213 total reads

 260,213 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 276,113 total reads

 276,113 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 312,255 total reads

 312,255 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top