Acronym na V-E-R-I-T-A-S na pamantayan sa pagpili ng mga tamang kandidato, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total reads

Inilunsad ng Task Force Eleksyon 2016 ang mga pamantayan sa pagpili ng tamang kandidato sa nalalapit na national elections.

Àyon kay Rev. Fr. Xavier Alpasa, SJ ng Simbahang Lingkod ng Bayan (SLB) na mahalagang suriin ng taumbayan ang iboboto nilang kandidato gamit ang acronym na V-E-R-I-T-A-S.

Ito ang dapat isa-alang ng mga botante: V para sa Vision, E- engagement for the community, R-espect for the environment, I-ntegrity, T-rack Record, A-ccountability at isang S-ervant Leader. “Ang vision, plataporma, ang engagement sa community, kasama ba ang mga tao. Respect for the environment ano ang tindig niya sa kanyang kalikasan. Integridad niya ang kanyang ‘track record.’ Ang kanyang accountability at ang pagiging servant leader niya,” bahagi ng pahayag ni Fr. Alpasa sa Radyo Veritas.

Kumikilos na rin àyon sa pari sa paglulunsad ng kwentuhang bayan upang maiabot ang impormasyon sa mga mahihirap.

“Unang – una gumagawa na tayo ng kwentuhan bayan, umiikot na tayo sa iba’t ibang lugar. Kaya mayroon ng kamalayan may network na tayong nagawa para dito. Ito ay ibaba para ipaabot at ikakalat natin para lalong pag – usapan. Maliban doon sa mga Presidential forum, VP Forum, senatorial forum. Lahat ng Forum na ito dadalhin natin ang usapin na ito ng sa gayon mas lalong magkaroon ng kamalayan ang tao,” giit pa ng pari sa Veritas Patrol.

Naniniwalan rin si Fr. Alpasa na nagagamit ang mga maralita sa mga campaign material ng mga kandidato. Kaya gayon na lamang nila isinesentro ang isyung kinakaharap nila sa mga kandidato at nangakong babantayan ang pangako na kanilang bibitawan.

“Ginagamit sila, hinahakot sila kaya mas ibinibigay natin yung kapangyarihan sa kanila ngayon. Inilalagay natin sila sa Sentro ng usapin. Kung saan ang mga tunay na isyu nila ang idinadala natin sa Sentro. At yun ang pinaka – tema ng Task Force Eleksyon nais nating bantayan yung proseso at Pangako,” pananaw ng pari.

Sa tala naman ng Commission on Elections o COMELEC nasa 54.6 Milyon ang botante ng May 2016 local at national elections.

Nanindigan naman ang CBCP na wala itong ieendorsong kandidato at nirerespeto ang karapatan ng lahat na pumili ng ihahalal subalit sana ito ay maka-Diyos, makamahirap at maka-kalikasan
.
Nauna na ring inilunsad ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang “One Good Vote.” Na tutok sa no to vote buyiong and yes to conscience-based selections of candidates gamit ang Karakter, Kakayahan at Katapatan o KKK.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 131,402 total reads

 131,402 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 174,517 total reads

 174,517 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 224,275 total reads

 224,275 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 383,469 total reads

 383,469 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 404,566 total reads

 404,566 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 330,430 total reads

 330,430 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 436,515 total reads

 436,515 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top