Chinese authorities, igalang ang international law- Bishop Arigo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 847 total reads

Nanawagan ng panalangin si Puerto Prinsesa, Palawan Bishop Pedro Arigo para sa pagpapanibago at paggalang ng Chinese authorities sa International Law kaugnay na rin ng patuloy na pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

Giit ng Obispo, nararapat na bigyang halaga ng alinmang bansa ang nasasaad sa batas at maging ang karapatan ng bawat bansa sa kabila ng hindi pagkakasundo at alitan.

“Ipagdasal na lang natin na somehow eh they will see the light eh matutong mag-recognized ng International Law at matutong mag-respect ng right ng Filipino and the other Asian neighbors..” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Arigo sa panayam sa Radio Veritas.

Una ng inihayag ng Obispo, na isang maganda at positibong pagbabago para sa mga Filipinong mangingisda ang panibagong pakikitungo ng Chinese Coastguard na sinasabing matapos ang pagpupulong ni President Rodrigo Duterte at Chinese Ambassador Zhao Jinhua ay hindi na itinaboy at pinaalis ng mga ito ang mga mangingisda sa karagatang sakop ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

“I have still to verify kung talagang totoo pero talagang matagal na yung areang yun ay off-limits na sa mga Palawan fishermen and other Filipino fishermen in-off-line na eh ngayon kung totoong pagkatapos ng pag-uusap ng ating Presumptive President Duterte eh luluwag na yung China, now that’s a very positive good development nuh..” Dagdag pa ni Bishop Arigo.

Kaugnay nga nito, batay sa mga paunang pahayag ni President Duterte asahan na ang pagsusulong ng kanyang Administrasyon sa Bilateral Agreement upang talakayin ang pagmamay-ari sa pinag-aagawang teritoryo ng iba’t ibang bansa bukod pa sa China.

Sa kasalukuyan, nasa International Court on Arbitration na ang apela ng Pilipinas sa pag-mamay-ari sa naturang teritoryo.

Kung saan inaangkin ng China ang halos kabuuan ng West Philippine Sea o South China Sea, kabilang na ang mga isla na bumubuo sa Spratlys.

Ayon sa 2010 Population Census ng National Statistics Office, umaabot ng 222 ang bilang ng populasyon na karamihan ay mga sundalo at sibilyan sa Isla ng Pag-asa na pinakamalaki sa walong isla na inaangkin ng China. Maliban sa China, inaangkin din ng Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan ang ilang bahagi ng teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 46,747 total reads

 46,747 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,250 total reads

 133,250 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,287 total reads

 176,287 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,045 total reads

 226,045 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,186 total reads

 385,186 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top