Pagbitay sa isang OFW sa Saudi Arabia, ikinalulungkot ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 686 total reads

Ikinalungkot ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagkamatay ng isang Overseas Filipino Worker sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Episcopal Commission on Migrants ang Itinerant People, nakalulungkot na hindi sapat ang tulong legal na ipinaabot ng Pilipinas para sa kasong pagpatay na kinaharap ng 39 taong gulang na Filipina sa Saudi Arabia.

“This is a very sad and tragic news, especially our own is involved. It is regret that legal assistance to our 39 years old Filipina was not enough,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Iginiit ng Obispo na dapat patuloy na tulungan ang naiwang pamilya ng OFW sa Pilipinas.

Batay sa ulat ng Home Office sa Manila ni Ambassador Adnan Alonto, ipinatupad ng mga otoridad ng Saudi Arabia ang parusang kamatayan sa OFW dahil sa kasong murder na batay sa Saudi Supreme Judicial Council ay walang katumbas na blood money ang kaso sa ilalim ng Shariah Law.

Inihayag naman ng Department of Foreign Affairs na tinulungan ng embahada ng Pilipinas ang hindi pinangalanang biktima sa pamamagitan ng pagbibigay ng abogado sa lahat ng paglilitis sa Saudi, pagpapadala ng mga kinatawang bumibisita noong nakulong ito at pagbibigay ng palagiang ulat tungkol sa kaso.

Kaugnay nito, ipinanalangin ni Bishop Santos ang kaligtasan at seguridad ng bawat OFW habang patuloy itong nagpapaalala na ang katangian ng isang OFW ay tapat, matiyaga at nakahandang umagapay sa kapwa na nangangailangan.

“We commend to God her eternal rest, and we pray always for the safety and security of our OFWs. We, at CBCP-ECMI, remember and remind all that our OFWs are honest, hardworking and they are always ready to help one another. That is the true nature of our OFWs,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Batay sa pahayag ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto noong 2017, naitala ng DFA ang halos 130 Filipinong nasa death row sa halos 4,000 OFW na nakakulong sa 52 mga bansa na karamihan ay sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Una nang kinilala ng Kaniyang Kabanalan Francisco ang kahalagahan ng mga OFW sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas noong 2015 dahil sa natatanging pagsusumikap na magtrabaho sa ibayong dagat na malayo sa mga mahal sa buhay upang maitaguyod ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 76,544 total reads

 76,544 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 124,246 total reads

 124,246 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 172,117 total reads

 172,117 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 276,064 total reads

 276,064 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 358,589 total reads

 358,589 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top