Voluntary regularization sa mga pribadong kompanya, sisimulan ngayong Pebrero

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 563 total reads

Katuparan sa dignidad ng isang indibidwal ang paggawa bilang pakikibahagi at pakikipagtulungan sa malikhaing paggawa ng Panginoon.

Dito nakabatay ang dignidad ng tao na nailathala sa Banal na Kasulatan sa Genesis tungkol sa pagpapahalaga sa dignidad at karapatan ng mga manggagawa.

Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magkaroon ng malawakang voluntary regularization sa mga kontraktuwal na manggagawa sa buong bansa simula ngayong Pebrero.

Ito ay bunsod ng napagkasunduan ng DOLE at ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na magpatupad ng voluntary regularization plan upang matugunan ang kontratuwalisasyon sa bansa.

Naniniwala si Labor Secretary Silvestre Bello III na maisakatuparan dito ang pangako ng pamahalaan na tapusin ang usapin ng kontraktuwalisasyon at mabigyang sapat na oportunidad ang mga manggagawa.

“We are confident that this agreement will set the stage for the massive regularization,” bahagi ng pahayag ni Bello.

Sa pagtaya ng ahensya nasa pagitan ng 30 hanggang 40 porsyento sa higit 3, 000 pre-identified na mga establisimiyentong na kasapi ng ECoP ang susunod sa kasunduan.

Kabilang sa nasabing kasunduan ang pag-regular ng mga employer sa manggagawang nasa ilalim ng illegal contracting arrangements.

Sa ensiklikal na Laborem Excersens ni St. John Paul II na dapat igalang ang karapatan ng bawat manggagawa sa iba’t ibang sektor at isaalang-alang sa pagpapalago ng ekonomiya, lipunan at mamamayan.

Nakatakda sa ika-8 ng Pebrero ang paglagda sa National Voluntary Regularization Plan kung saan inaasahang paunang 220, 000 manggagawa ang makikinabang.

Tiniyak din ng kalihim na bibigyan ng tatlong taon na moratoryo ang mga kompanya na makatutupad sa kasunduan kaya’t hindi ito bibisitahin ng mga Labor Law Compliance Officers upang mabigyang pagkakataon ang bawat establisimiyento.

“Yung mga Labor Law Compliance officers namin ay hindi muna dadalaw sa kanila except kung may complain,” dagdag pa ni Bello.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 47,194 total reads

 47,194 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 96,935 total reads

 96,935 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 144,806 total reads

 144,806 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 248,755 total reads

 248,755 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 332,466 total reads

 332,466 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top