Pagiging bukas ng Pangulong Duterte sa pagtanggap ng Rohingya refugees, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 415 total reads

Ikinagalak ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na nakahandang tanggapin ang mga Rohingya refugee mula Myanmar.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI), nakahanda ang kanilang tanggapan na makipagtulungan sa pamahalaan sa pagkalinga sa mga refugees na karamihan ay mga Muslim.

“It is inspiring and encouraging statement of the President. With his welcoming and accommodating gestures, we at CBCP-ECMI, are so happy to cooperate and collaborate,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Magugunitang sa talumpati ni Pangulong Duterte sa pagtitipon ng alkalde sa bansa noong ika – 26 ng Pebrero, sinabi nitong handang tanggapin ang mga Rohingya kung wala itong mapupuntahan at maaring mabigyang pagkakataon na maging Filipino citizen.

Binigyang diin ni Bishop Santos na bahagi ng adbokasiya ng Simbahang Katolika ang pagkalinga sa mga nangangailangan ng tulong lalo na ang mga tumatakas sa kanilang lugar bunsod ng iba’t ibang uri ng suliranin tulad ng karahasan at kahirapan.

“For our Catholic Church there are no walls, no borders. She is a Mother to accept and to accommodate; to help and to care,” dagdag pa ng Obispo.

Sa tala ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, higit sa 700, 000 ang mga Rohingya refugees mula nang sumiklab ang kaguluhan sa isang lugar sa Myanmar noong 2017.

Sinabi pa ng pinuno ng CBCP – ECMI na sa pahayag ng Pangulo ay maipakikita ang tunay na kaugalian ng mga Filipino na mapagkalinga sa kapwa na unang ipinakita sa refugees na Vietnamese noong 1975 bunsod ng Vietnam War.

“Our Country is very compassionate and hospitable society. We are very helpful and loving people. We have shown this with the way we accepted and treated the so called ‘boat people’ during the Indochina war,” ani ni Bishop Santos.

Aniya ito rin ay nababatay sa pahayag ni Jesus na nailathala sa banal na kasulatan sa ebanghelyo ni San Mateo kabanata 25 talata 35 ‘naging dayuhan ako at pinatuloy ninyo ako.’

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 74,743 total reads

 74,743 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 122,552 total reads

 122,551 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 170,422 total reads

 170,422 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 274,369 total reads

 274,369 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 356,984 total reads

 356,984 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top