Puspusin ang mga Filipino ng puso ni St. Camillus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 810 total reads

Umaasa ang CBCP-Episcopal Commission on Health Care na bukod sa pisikal at sakit pangkalusugan ay makatulong rin ang dalawang buwang “Journey of the Heart ni Saint Camillus de Lellis” sa bansa upang masolusyunan ang iba’t-ibang lumalalang sakit sa lipunan.

Ayon kay Rev. Fr. Dan Cancino – Executive Secretary ng komisyon, nawa ay mapuspos ang mamamayang Filipino ng biyaya mula kay San Camillo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malalim na pag-uunawaan, pagkakaisa at pagmamahal sa kapwa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala at pananaw.

Tiwala ang Pari sa pamamagitan ng pagkakaisa ay masosolusyonan ang lumalalang sakit ng lipunan sa pagkakawatak-watak, hindi pagkakaunawaan at ang tinaguriang ni Pope Francis na throw-away culture kung saan karaniwang naisasantabi ang mga mahihina at maliliit na sektor ng lipunan.

“Sana yung kanyang Journey of the Heart dito sa Pilipinas, puspusin tayo ng pagpapalang iyon kung pinapahalagahan natin yung puso din natin, pahalagahan din natin yung puso ng ibang tao. Mahalin natin ang bawat isa, magkaiba man tayo, may kakaibang pananaw man tayo. Mahalin kita, mahalin mo rin ako, lalong-lalo na tayong mga Filipino may pagkakaiba man tayo ng pananaw, pananampalataya, mayroon tayong iisang common sa ating lahat, tayo ay Filipino na dapat na magmahalan, so doon sa sakit ng indifference, sakit ng pagkaka hiwahiwalay, pagkakawatak, sakit ng throw-away kapag napahalagahan natin ang bawat isa…”pahayag ni Father Cansino sa panayam sa Radyo Veritas.

Matatandaan na noong ika-2 ng Pebrero dumating sa bansa ang Incorrupt Heart Relic o ang higit 400-taon ng hindi naaagnas na puso ni Saint Camillus de Lellis upang bumisita sa iba’t-ibang mga Simbahan at ospital mula sa mahigit na 19 na mga diyosesis sa buong bansa hanggang sa ika-31 ng Marso bago muling bumalik sa Roma.

Anim na taon na ang nakalipas ng unang naganap ang Journey of the Heart ni St. Camillus sa Pilipinas noong February 18, 2013 hanggang March 10, 2013.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 52,694 total reads

 52,694 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 139,192 total reads

 139,192 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 182,229 total reads

 182,229 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 231,988 total reads

 231,988 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 390,716 total reads

 390,716 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top