Cardinal Tagle, nanawagang suportahan ang Alay Kapwa telethon 2019

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 501 total reads

Hinimok ng Simbahang Katolika ang mananampalataya na makiisa at suportahan ang mga programa ng Simbahan lalo na ngayong panahon ng Kuwaresma.

Sa liham pastoral ng Arkidiyosesis ng Maynila, binigyang diin ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na bukod sa pananalangin, ito rin ay panahon na kalingain ang kapwa na higit nangangailangan.

Dahil dito, sa ika – 15 ng Abril, Lunes Santo ay isasagawa ng Caritas Manila ang Alay Kapwa Telethon na layong bigyang kamalayan ang bawat Katoliko sa pagkakaroon ng pananagutan sa kapwa partikular na sa mga mahihirap, may karamdaman at mga biktima ng kalamidad na nangangailangan ng tulong at paggabay upang muling makaahon sa kanilang kalagayan sa buhay.

Sa paglilimos ay pinalalago ng bawat isa ang asal ng pagiging mapagkawanggawa at mapagbigay sa kapwa tao.

Ang pondong malilikom sa Alay Kapwa ay ilalagak sa Caritas Manila, ang social action arm ng Arkidiyosesis partikular sa Damayan program, ang nangunguna sa pagbibigay ayuda sa mamamayang masasalanta ng iba’t ibang uri ng kalamidad.
Noong nakalipas na taon ay umabot sa 5-milyong piso ang nalikom ng Alay Kapwa Telethon na ginamit ng Caritas Damayan sa pagtulong sa nasalanta ng bagyong Agaton, Josie, Ompong at maging sa mga biktima ng sunog sa Metro Manila.

Bukod pa rito ang pagpaabot ng tulong sa rehabilitasyon ng Marawi makaraang masira sa digmaan sa lugar, pagtulong sa mga lumad sa Mindanao at mga pamilyang naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Mayon.

Bukod sa Alay Kapwa Telethon ng Radio Veritas at Caritas Manila ay nagsagawa na rin ng second collection sa mga misa ng bawat parokya bilang tulong sa pagkalap ng pondo.

Umaasa si Kardinal Tagle na bukas palad ang mamamayan sa pagtulong sa Alay Kapwa bilang pamamaraan ng pagpakita ng malasakit sa mga dukha.

Mapakikinggan ang Alay Kapwa Telethon sa inyong Kapanalig na himpilan mula alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng hapon.

Sa mga nais magbahagi ng kanilang tulong pinansyal ay maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Caritas Manila at Radio Veritas o tumawag sa 925 – 7931 hanggang 39.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 45,515 total reads

 45,515 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 95,383 total reads

 95,383 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 143,254 total reads

 143,254 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 247,203 total reads

 247,203 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 330,997 total reads

 330,997 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top