15-percent na value added tax, pasakit sa taumbayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 320 total views

Pasakit sa mga consumer at micro entrepreneurs ang plano ng incoming Duterte administration na itaas sa 15-percent ang value added tax o VAT mula sa kasalukuyang 12-percent.

Tiniyak ni Employer’ Confederation of the Philippines (ECOP) chairman emeritus Donald Dee na higit na maapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas sa balakin.

“Alam naman natin na gustong mangyari ng bagong administrasyon na i–adjust ‘yung income tax rate, ibaba ‘yung buwis, ‘yung percentage ng income tax. Bababa rin ‘yung revenue, ‘yung kikitain ng gobyerno, ang kanilang iniisip paano nila marerekober ‘yung mawawala sa aming mga negosyante, kasi madalas naming sinasabi ang solusyon po diyan ay hindi i–transfer ‘yung burden nung mataas na income tax ilalagay natin sa tama ngunit ipapasa naman natin sa consumption tax, ang taumbayan tatamaan pa rin,” pahayag ni Dee sa panayam ng Veritas Patrol.

Nakikitang solusyon naman ni Dee ay ang panghihikayat pa sa mga investors na mamuhunan sa bansa upang lumakas ang ekonomiya ng bansa at makapaglikha pa ng maraming trabaho.

“Ang talagang solusyon diyan ay ayusin natin ang ekonomiya para magkaroon tayo ng madaming investment lumaki ang ating ekonomya, magkaroon ng mas madaming trabaho. Para ‘yung investment na ‘yun ay dun tayo kikita, dun tayo makakabawi sa ating na mawawalan ng income dahil binabaan natin ang tax rate natin,” giit pa ni Dee sa Radyo Veritas.

Nabatid batay sa mga pag-aaral, lumabas na ang 30 hanggang 32 porsiyento na pagpapataw ng buwis sa sahod sa Pilipinas ang isa sa pinakamataas kumpara sa iba pang bansa sa Asya.

Isinusulong naman ng panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika na laging alalahanin ang kabutihang pangkalahatan sa anumang paggalaw sa presyo ng panginahing bilihin sa merkado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 32,479 total views

 32,479 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 60,830 total views

 60,830 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 128,560 total views

 128,560 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 151,711 total views

 151,711 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 219,495 total views

 219,495 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 150,219 total views

 150,219 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 313,949 total views

 313,949 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top