Peace talks ng GRP at NDF, panimula para sa kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 303 total views

Positibo ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na magiging maganda ang patutunguhan ng isinagawang preliminary talks ng mga kinatawan ng susunod na Administrasyon at National Democratic Front of the Philippines sa Oslo, Norway noong nakalipas na linggo.

Pagbabahagi ni Renato Reyes, Jr.-Secretary General ng Bayan, magandang panimula ang muling pagsusuri ng magkabilang panig sa mga nauna ng nalagdaang kasunduan kabilang ang pagpapalaya sa mga political prisoners o bilanggong pulitikal.

“Nag-schedule na sila ng formal talks sa ikatlong linggo ng Hulyo at mukhang maganda rin naman yung pagsisimula ng usapang ito kasi pinag-uuspan na yung pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal at pagtataguyod nung mga dati ng mga napirmahang kasunduan, ibig sabihin hindi tayo nagsisimula sa zero, so meron tayong pinanghahawakan mula doon sa nagdaan..” Ang bahagi ng pahayag ni Reyes sa panayam sa Radio Veritas.

Batay sa ulat, lumagda ang magkabilang panig ng kasunduan kaugnay sa tigil-putukan kasabay ng muling pagsusuri at pag-sasaayos sa nilalaman ng una ng nilagdaan ng dalawang panig na Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG.

Samantala, batay sa tala ng Karapatan (Alliance for the Advancement of Poeple’s Rights) mula sa pinakahuling tala noong ika-31 ng Mayo, 297 mula sa 509 na political prisoners ang ilegal na inaresto sa ilalim ng Administrasyon Aquino, sa bilang na ito 18 ang naitalang mga peace consultants ng N-D-F-P, 88 ang may karamdaman, 48 naman ang mga matatanda habang tinatayang nasa 74 na mga detainees naman sa buong bansa na nananatili wala paring hatol sa higit na 10-taon.

Una ng binigyang diin ni Pope Francis na hindi kailanman makakamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng pag-aarmas kundi sa isang payapang dayalogo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 12,020 total views

 12,020 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 185,954 total views

 185,954 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 163,587 total views

 163,587 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 227,338 total views

 227,338 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 246,260 total views

 246,260 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top