Pagtaas sa SSS contributions ng mga OFW, hindi makatarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 314 total views

Umaapela ang pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa pamahalaan na ihinto ang pagpapatupad sa mandatory na pagtaas sa Social Security System contribution ng mga Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Komisyon, dagdag pahirap at gastos lamang ito sa mga OFW kaya’t dapat itong pigilan.

“We at CBCP-ECMI, also support and appeal for a temporary restraining order (TRO) of the implementation of SSS rationalization act. It is an added financial burden and will cause more difficulties to our OFWs,” pahayag ni Bishop Santos.

Aniya, hindi makatarungan ang bagong rates na ipatutupad ng SSS lalo na sa mga seafarer at dapat hindi ito kasama sa pagkuha ng mga overseas employment certificates.

“The newly increased rates are unfair, and impaired the existing employment contracts of our OFWs, especially the seafarers, payments to these SSS, Phil health or Pag-ibig should never be tied to the issuance of overseas employment certificates,” ani ng Obispo.

Batay sa nilagdaang Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018, lahat ng mga land-based at sea-based OFW ay dapat maging miyembro ng SSS.

Layunin nitong makapangalap ng pondong higit sa 31 bilyong piso sa pamamagitan ng nasabing batas.

Pinapalawak at ini-rationalize ang kapangyarihan ng SSS sa ilalim ng Section 9-A ng nasabing batas kung saan kinakailangan na maging kasapi ng SSS ang lahat ng mga may trabaho na hindi lalagpas sa 60 taong gulang.

Iginiit ni Bishop Santos na dapat suriin ng pamahalaan ang nasabing batas dahil malaking epekto ito sa kabuhayan ng mga OFW.

“Our OFWs should be assisted, helped and promoted not to be burdened; and so there should be a moratorium on the increase of SSS contributions,” giit ni Bishop Santos.

Una nang kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga OFW sa malaking ambag sa lipunan hindi lamang sa pang-ekonomiyang aspeto kundi sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 122,486 total views

 122,486 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 246,897 total views

 246,897 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 286,519 total views

 286,519 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 359,470 total views

 359,470 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top