Buong suporta sa mga Migrante, tiniyak ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 686 total reads

Muling tiniyak ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang buong pusong pagsuporta sa mga migrante upang maitaguyod ang kanilang karapatan.

Sa pahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) mahalagang mapangalagaan ang bawat migrante kahit saang panig ng daigdig.

“We, at CBCP-ECMI, walk and work with our migrants for the protection of life and promotion of their rights,” pahayag ni Bishop Santos.

Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay sa pagkalunod ni Oscar Alberto Ramirez at 2 taong gulang na anak sa Rio Grande river sa Matamoros Mexico nang sinubukang tawirin ang ilog patungo sa Brownsville Texas.

Ang Rio Grande river ang tinaguriang U.S – Mexico border kung saan maraming mga migrante ang sumubok na tawirin upang humanap ng kabuhayan sa Estados Unidos.

Subalit naitala noong 2018 na 283 mga migrante ang nasawi ng tawirin ang border ng Mexico.
Tiniyak pa ni Bishop Santos na bukod sa pangangalaga sa naiwang pamilya ng mga Overseas Filipino Workers dito sa Pilipinas ay may mga programa rin ito sa iba’t ibang mga bansa upang tugunan ang kanilang pangangailangan.

“Here [Philippines], we attend to their loved ones and there, in foreign lands we accompany them with our chaplains,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Sa kabuuang tala ng pamahalaan mahigit sa 10 milyon ang mga Filipino sa iba’t ibang bansa o katumbas sa halos 5 libong Filipino ang umaalis araw-araw upang maghanap-buhay sa ibayong dagat.

Hinimok ng pinuno ng CBCP-ECMI ang mga mananampalataya na bilang isang Simbahan nawa’y ipadama sa mga migrante ang kalinga at pagmamahal.

Tiniyak ng Obispo ang patuloy na pagtulong at pananalangin para sa kaayusan at kaligtasan ng bawat OFW.

“Let us continue to assist and help our OFWs and pray always for safety, sound health and success with their works, we make them feel that our Church is always with them for their welfare and well-being,” ani ni Bishop Santos.

Una nang kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga migranteng Filipino na nagsasakripisyo para maitaguyod ang kanilang pamilya kahit na malayo sa mga mahal sa buhay.

Setyembre 2017 naman ng inilunsad ng Vatican sa pangunguna ni Pope Francis at sa pamamagitan ng Caritas Internationalis ang Share the Journey Campaign na layong maturuan ng Simbahan ang mga tao na makipag-ugnayan sa mga tunay na migrante, alamin ang kwento ng kanilang buhay at kung ano ang nangyari sa kanilang paglalakbay.

Ang dalawang-taong kampanya ng “Share the Journey” ay naglalayon ding mapalawak ang kamalayan, magtaguyod at magpalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga migrante, mga refugee at mga komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 28,268 total reads

 28,268 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 66,412 total reads

 66,412 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 101,712 total reads

 101,712 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 327,981 total reads

 327,981 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 219,617 total reads

 219,617 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top