Hindi lang droga ang ugat ng suliranin sa Pilipinas.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 560 total views

Hindi lamang sa illegal na droga nakaugat ang mga krimen at iba pang suliraning panlipunan sa bansa.

Ito ang panawagan sa susunod na Administrasyon ng Promotion of Church People’s Response kung saan binigyang diin ni Nardy Sabino, Secretary General ng P-C-PR na bukod pa sa pagsupil sa illegal na droga sa bansa ay nararapat ring tutukan ng susunod na Administrasyon ang mga pangunahing problema sa lipunan partikular na ng kahirapan, kawalan ng permanenteng hanapbuhay, kawalang katarungan at inequality o hindi pagkakapantay pantay.

“Ang ating problema ang suliranin natin ay hindi lang naka-ugat sa droga kundi naka-ugat ito sa mga batayang pangangailangan, sa mga pundamental na problema ng ating lipunan yung kahirapan, kawalang hanapbuhay, kawalang katarungan, kawalan ng ekwalidad sa ating bayan, ito yung problema na dapat i-address ng susunod na administrasyon..” pahayag ni Sabino sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nga nito, ayon sa United Nations World Drug Report ang Pilipinas ang may pinakamataas na paggamit ng Shabu sa East Asia kung saan batay sa tala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) aabot sa 92-porsyento ng mga barangay sa Metro Manila at 1/5 naman ng mga barangay sa buong bansa ay apektado ng bawal na gamot.

Samantalang, batay sa resulta ng SWS Survey sa huling bahagi ng 2015, naitala na nasa 50-porsyento ng pamilyang Filipino ang nagsabing sila ay mahirap o katumbas ng may 11.2-milyong pamilyang Filipino.
Habang sa kalagayan naman ng paggawa sa bansa, tinatayang umaabot sa 11.8 milyong Pilipino ang unemployed o nananatiling walang trabaho sa bansa.

Matatandaang binigyang diin ni Saint John Paul II na sa pagpapalakad ng estado ay kailangang siguraduhin na lahat ng miyembro ng komunidad ay protektado at pantay-pantay dahil nasa kamay ng mga nagpapatakbo ng estado ang pangangalaga ng kapakanan ng publiko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 50,028 total views

 50,028 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,897 total views

 45,897 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 82,099 total views

 82,099 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,734 total views

 90,734 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,832 total views

 115,832 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 80,400 total views

 80,400 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 270,725 total views

 270,725 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top