Dumaraming migrant refugees, ikinababahala.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 248 total views

Ikinabahala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission Migrants and Itinerant People ang ulat ng United Nations High Commissioner on Refugees (UNHCR) na umabot na sa 65.3 milyon ang mga migrante sa buong mundo.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon na isang malaking trahedya ang kinakaharap ng mundo dahil sa pagkukubli ng mga tao sa iba’t ibang mga bansa upang tumakas sa kaguluhan sa kanilang sariling bayang sinilangan.

Nagdudulot kay Bishop Santos ng pagkasira ng paghubog at paglago ng tao sa kanyang komunidad dahil na rin sa takot at diskriminasyon.

“Ito ay nakakabahala at ito ay masasabi nating isang tragedy ma magli – lead sa human catastrophe dito natin makikita mga aral na giyera o kaya mga civil conflict ay hindi mag – uuwi ng kapanatagan ng kapayapaan at kasaganahan ng bansa. Ang regional conflict or war na talagang magdudulot ng karahasan, kaguluhan at pagkakawala ng tao,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Napapanahon na rin ayon sa obispo na kumilos ang sangkatauhan upang magmalasakit lalo nasa pagtulong at pagkupkop sa mga refugees.

“Sa nangyayari ngayon ang buong mundo ay hindi dapat manahimik ito na ang pagkakataon na kung saan ipakita sa buong mundo na tayo ay faithful stewards of the earth at tayo ay brother’s keeper na tulungan din natin, damayan natin maramdaman nila mayroong nangangalaga sa kanila,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Nabatid na lumago sa 5.8 milyon ang mga displaces people nitong 2015 batay sa ulat istatistika ng UN. Batay naman sa dami ng populasyon sa buong mundo nang mahigit 7 bilyon, binanggit ng UN na sa bawat isa sa kasa 113 katao sa planeta ay migrante.

Nauna na ring binanggit ni Pope Francis na ang Simbahan ay laging bukas at tinatanggap ang lahat lalo na ang mga migranteng naghahanap ng mas magandang kinabukasan sa ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 60,260 total views

 60,260 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 83,419 total views

 83,418 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 104,693 total views

 104,692 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 271,199 total views

 271,199 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 219,097 total views

 219,097 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top