AFP at PNP, pinuri ng Archdiocese of Nueva Segovia at Diocese of Laoag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 461 total views

Nanawagan ang Arsobispo ng Nueva Segovia sa mga awtoridad na beripikahin ang mga ulat tungkol sa banta ng terorismo sa mga Simbahan sa Luzon.

Tiwala naman si Archbishop Marlo Peralta na gagampanan ng pulisya ang kanilang tungkulin sa pagtiyak sa seguridad ng mamamayan.

“Nanawagan ako sa PNP na it’s their duty to verify kung may katotohanan i-secure nila yung mga simbahan,” pahayag ni Archbishop Peralta sa panayam ng Radio Veritas.

Ikinatuwa ng Arsobispo na mula nang lumabas ang babala ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon command sa bantang pag-atake ng teroristang ISIS ay naging alerto ang mga pulis sa paligid ng Metropolitan Cathedral of the Conversion of St. Paul the Apostle o mas kilalang Vigan Cathedral na isa sa mga target ng ‘Church Crusade’ ng teroristang grupo.

Hinimok din ni Archbishop Peralta ang mananampalataya na magtiwala sa pulisya at manatiling mapagbantay sa paligid at ugaliin ang pananalangin sa Panginoon na maiadya sa anumang banta ng karahasan at kaguluhan.

Bukod dito, hindi rin isinantabi ng Arsobispo ang hinalang kagagawan lamang ito ng masasamang loob upang magdulot ng takot at pangamba sa mamamayan na maaring gawing daan para maghasik ng karahasan sa pamayanan.
“Kung minsan ang mga bantang ito baka gawa-gawa lang ng masasamang elemento na they want to create fear among our people kasi if they can saw panic or fear sa mga tao then they can do what they want kasi fear is also power,” ani ng Arsobispo.

Samantala, pinaiigting rin ang seguridad sa mga Simbahan sa Ilocos Norte kung saan nasasakop ang Laoag City na kabilang din sa sinasabing target ng mga terorista.

Ayon kay Laoag Bishop Renato Mayugba, nagtulungan ang Simbahan at lokal na pamahalaan upang ipatupad ang mahigpit na pagbabantay sa paligid ng simbahan partikular tuwing Linggo.

“With this threat, the police force is visible in the vicinity of our churches to secure our people,” ani ni Bishop Mayugba sa Radio Veritas.

Hinikayat ni Bishop Mayugba ang mamamayan na ipagbigay alam sa awtoridad ang mamapansing kahina-hinalang indibidwal upang maimbestigahan at makatulong maiwasan ang pagsiklab ng karahasan.

Magunitang nitong Enero lamang ay dalawang beses na pinasabog ng mga suicide bomber na kasapi ng local terrorist group ang Jolo Cathedral na ikinasawi ng 20 katao habang higit sa 100 naman ang nasugatan.

Tiniyak naman ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang masusing pag-imbestiga sa katotohanan sa nasabing ulat habang pinayuhan ang mamamayan na manatiling kalmado sa kabila ng banta ng terorismo sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 118,215 total views

 118,215 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 242,626 total views

 242,626 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 282,451 total views

 282,451 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 355,731 total views

 355,731 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top