Pagpabor ni PNoy sa renewable energy, paghuhugas kamay lang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 332 total views

Nakalilito at tila isang kabalintunaan ang biglang pagpabor ng out-going administration sa pagpapaunlad sa renewable energy ng bansa.

Ito ang inihayag ni Rev. Father Edwin Gariguez – Executive Secretary ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinagtataka ni Father Gariguez ang paglagda ng Pangulong Benigno Aquino III sa Commission Resolution 2016–001, gayong binigyan nito ng Environmental Compliance Certificate ang 19 na Coal Fired Power plants.

“In the first place dapat hindi mo na binigyan ng napakaraming ECC at itinigil mo na yung pagbibigay ng permisong magtayo ng coal fired Power Plants.” Pahayag ni Fr. Gariguez.

Kaugnay nito, inihayag ng pari na tila paghuhugas kamay ang huling hakbang ng PNoy Administration sa pagtatapos ng termino nito makaraan ang anim na taong panunungkulan sa taumbayan.

“Stop gap measure ba to? In the first place kasi dapat napag-aralan mo na at may commitment tayo rin na ibinigay sa COP21 na 70% emission reduction, so parang yung measure na to, parang ano to paghuhugas ng kamay?” Dagdag pa ng Pari.

Gayunman ayon kay Fr. Gariguez maituturing parin na isang magandang bagay ang iiwan ng Administrasyong Aquino sa papasok na bagong pamunuan ng bansa.

“Sa isang banda, maaaring napakaraming dapat isisi, napakaraming dapat singilin, pero isa ito sa magandang ginawa ng Administrasyong Aquino.”Pahayag ni Fr Gariguez sa Radyo Veritas.

Sa ilalim ng Commission Resolution 2016-001, ipinaguutos ang pagsisiyasat sa epekto ng coal fired power plants sa mga komunidad na malapit dito.

Sa pamamagitan din nito mas mapauunlad sa renewable energy ng bansa.

Itinalaga dito ang Climate Change Commission bilang ahensya na mamumuno sa pagpapaunlad ng renewable energy. Inaasahan rin na magiging katuwang dito ang mga ahensya ng Department of Environment and Natural Resources, Department of Energy at ang National Economic and Development Authority.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 28,611 total views

 28,611 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 202,545 total views

 202,545 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 180,178 total views

 180,178 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 243,260 total views

 243,260 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 260,943 total views

 260,943 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 318,768 total views

 318,768 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top