Pangunahing suliranin ng Pilipinas, inilatag kay President Rody

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,634 total views

Tinukoy ng CBCP NASSA/ Caritas Philippines ang mga pangunahing suliranin sa bansa na dapat gawing prayoridad ng susunod na administrasyon.

Ayon kay Rev Fr. Edwin Gariguez – Executive Secretary ng komisyon, titiyakin nitong maihahayag sa susunod na administrasyon ang mga inilatag nitong suliranin sa ating lipunan.

“Gawin natin na itong mga isyu na hinaharap ng sambayanang Filipino ay ihain sa ating papasok na administrasyon,” pahayag ng Pari.

Kabilang sa mga ito ang pagbibigay ng proteksyon sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda, paggalang sa karapatan at lupain ng mga katutubo, at pagbibigay dignidad sa mga inaabusong manggagawa.

Pagbigay ng kaukulang pansin para makamit ang climate justice sa pamamagitan ng pagkansela sa permit ng mga planta ng coal power plants, at pagtataguyod sa renewable energy.

Kabilang rin dito ang pagsasaayos ng Alternative Minerals Management Bill at pagpapataw ng suspension o tuluyang pagpapasara sa mga mining violators.

Kasama rin sa hiling ng grupo ang paglalaan ng mas malaking pondo sa Disaster response team ng mga lokal na pamahalaan at pagtatatag at pagbibigay ng trainings sa National and Regional Disaster Risk Reduction Management.

Inihayag ni Fr. Gariguez na naniniwala ang simbahan na sa pagtugon ng susunod na administrasyon sa pangunahing suliranin ng sambayanang Filipino, ay sabay-sabay ang magiging hakbang ng bawat isa tungo sa pag-unlad.

“Naniniwala tayo na ito yung kaunlarang nararapat na walang naiiwan kundi, sinasaalang-alang rin yung kapakanan ng kalikasan,” dagdag ni Fr. Gariguez.

Nilinaw ng Pari na ang lahat ng tinukoy nitong problema sa ating lipunan ay nilatagan ng matibay na pag-aaral at solusyon ni Pope Francis sa Laudato Si.

Dahil dito, umaasa si Fr. Gariguez, na magsisilbing gabay ang Laudato Si, sa mga mamumuno sa papasok na administrasyon.

Magugunitang sa resulta ng SWS Survey sa huling bahagi ng 2015, limampung porsyento ng mga pamilyang Filipino ang nagsasabing sila ay mahirap, katumbas ito ng 11.2 milyong mga pamilya sa bansa.

Kaya naman sang-ayon sa pahayag ni Saint John Paul II, dapat tiyakin ng gobyerno na sa pagpapatakbo nito ng buong bansa ay dapat pantay-pantay ang serbisyo at pangangalagang natatanggap ng bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 5,657 total views

 5,657 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 38,739 total views

 38,739 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 67,090 total views

 67,090 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 134,820 total views

 134,820 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 157,513 total views

 157,513 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 352,864 total views

 352,864 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top