Panawagan sa bokasyon; Maging payak at manindigan sa katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 387 total reads

Pinaalalahanan ni Capiz Archbishop Jose Advincula ang mga seminarista na iwasan ang makamundong mga bagay na unti-unting sumisira sa pagiging tapat na pastol ng simbahan.

Nababahala din ang arsobispo sa pagkagumon ng tao sa mga materyal na bagay habang nalilimutan ang payak na pamumuhay na lumilingap sa kapwa.

“Materialism runs in every vein of the world today. And sadly, our church is not spared from this disease,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Advincula.

Hinikayat pa ng arsobispo ang halos 500 seminarista ng Visayas na pag-ibayuhin ang pakikipag-ugnayan sa Diyos upang maging ganap na kaisa sa misyon ni Hesus sa pagbabahagi ng mabuting balita dahil sa kanilang pagtugon sa tawag ng Panginoong maglingkod sa sambayanan.

Ang pagninilay ng arsobispo ay kasabay ng pagbukas sa ika-12 Gathering Of Theology Seminarians In The Visayas (GTSV) na ginanap sa Sancta Maria Mater Et Regina Seminarium sa Cagay Roxas City.

Tema ng pagtitipon ay nakabatay sa ikatlong sulat ni San Juan na walang higit na makapagpaligaya sa Diyos kundi ang pamumuhay ng sangkatauhan sa katotohanan.

Binigyang diin pa ni Archbishop Advincula na nakikita ng inang simbahan sa mga magiging pari ang pag-ibig at ang kaloob na maaring ibahagi sa kawan ng Diyos.

“Your vocation to the priesthood is both your personal response to God’s call and the church’s desire to minister to her members,” ani ni Archbishop Advincula.

Sinabi pa ni Archbishop Advincula na hamon sa kasalukuyang panahon ang panindigan sa katotohanan.

Inihalimbawa pa nito ang babala ni San Juan hinggil sa isang Diotrephes na nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kristiyanismo upang madismaya ang mananampalataya na isabuhay ang pananampalatayang kristiyano.

Maging sa loob ng simbahan ayon sa arsobispo ay may mga katulad ni Diotrephes na nagpapanggap na kaisa sa pagpalaganap ng mabuting balita subalit gumagawa ng mga labag sa alituntunin ng Panginoon.

“The modern day Diotrephes in the Church spreads the death of faith by its very works. This more dangerous. This is more detrimental to our walking in truth, to our Christian living,” saad ng Arsobispo.

Dahil dito, sinabi ni Archbishop Advincula na mas malaking banta ang mga mapanirang indibidwal sa loob ng simbahan na magpapahina sa pundasyon ng pananampalataya.

Hamon ng Arsobispo sa mananampalataya na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa Diyos upang higit na mapagtibay ang pananampalataya sa kabila ng mga pagsubok at paninira sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,304 total reads

 56,304 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,800 total reads

 142,800 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,837 total reads

 185,837 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,596 total reads

 235,596 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,122 total reads

 394,122 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top