DoJ decision sa gawa-gawang bintang, long overdue ayon sa Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 554 total reads

Walang dapat na ipagbunyi sa desisyon ng Department of Justice (DoJ) sa pagsasantabi sa kasong sedisyon laban sa apat na obispo at ilan pang miyembro oposisyon.

Ito ang inihayag ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr.- na kabilang sa inakusahan kasama sina CBCP vice-president Kaloolan Bishop Pablo Virgilio David, Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Lingayen, Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Read: Kasong sedition laban sa mga matataas na opisyal ng CBCP, ibinasura ng DOJ

Paliwanag ng obispo, pawang mga gawa-gawa at bintang ang kaso na isinampa ng Philippine National Police (PNP) na ang tanging layunin ay takutin at patahimikin ang mga kritiko ng gobyerno.

“Kaya nung marinig ko yun (DOJ decision) well sabi ko salamat nalang ngunit that is long overdue dapat pa yan ay kahit na yung dalawang buwan lang pagkatapos nang magfile kami ng aming counter affidavit dapat nadesisyunan na yan,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Tiniyak din ng obispo na hindi mananahimik ang simbahan na punahin ang mga programa ng gobyerno na higit na magpapahirap sa sambayanan gayundin ang usapin ng mga pagpaslang o extra judicial killings (EJK).

“Ako, matapos lang talaga lumitaw lang at malaman lang ng lahat na kami ay talagang walang sala mula’t mula pa. Pwede lang namin talagang (kasuhan) ay si Bikoy (Peter Joemel Advincula) ng Perjury, idinemanda na siya ng Perjury ng ilan sa mga accused kaya hindi na ako dadagdag pa na magdemanda”.

Hindi naman kabilang sa mga inabsuwelto sina Fr. Albert Alejo SJ at Fr. Flavie Villanueva SVD gayundin si former Senator Antonio Trillanes IV.

Nanindigan naman si Bishop Bacani na pinaniwalaan nina Fr. Villanueva at Fr. Alejo si Advincula hindi para pabagsakin ang administrasyong Duterte kundi para isiwalat ang mga katiwaliang nangyayari sa gobyerno, war on drugs at matigil na ang walang habas na pagpatay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 57,398 total reads

 57,398 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 143,894 total reads

 143,894 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 186,931 total reads

 186,931 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 236,690 total reads

 236,690 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 395,157 total reads

 395,157 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top