Ituon ang sarili sa tunay na diwa ng Kuwaresma, panawagan ng Simbahan sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 648 total reads

Hinikayat ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na huwag magpaapekto sa mga pagbabago sa mga gawain ng simbahan ngayong kuwaresma bilang pag-iingat sa kumakalat ng corona virus disease.

Sa pahayag ng obispo sa social media, binigyang diin nito na dapat nakatuon pa rin ang mananampalataya sa tunay na diwa ng pagdiriwang ang pagbabalik loob sa Panginoon.

“There may be changes in some of the church practices that we do, but let us not be side-tracked by these discussions from the real meaning of the season of Lent which is a season of grace and conversion. Let us go to the core meaning of our rites rather than be confused by changed external practices,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Sa panuntunang inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ibubudbod sa ulo ang abo sa halip na ipapahid sa noo bilang bahagi ng pag-iingat ayon na rin sa panawagan ng World Health Organization.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, batay sa bibliya na karaniwang ginagawa sa ibang mga Simbahan sa mundo, sa ulo nilalagay ang abo gayunpaman hindi iginiit ng obispo na hindi nagbabago ang kahulugan nitong pagpapanibago sa sarili.

“In the Bible and in many churches in the world, the ashes are put on the top of the head, not on the forehead. More than where the ash is imposed and in what manner, the meaning is the same. The ashes imposed on us is a call to humility and repentance,” dagdag ng obispo.

Bukod sa Miyerkules ng Abo, maari ring maapektuhan ang malaking pagtitipon ng Simbahan tulad ng mga kumpisalang bayan, prusisyon, Daan ng Krus at iba pa.

Tiniyak naman ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID) na walang banta sa kalusugan ang pagpapatuloy ng gawaing simbahan dahil walang naitalang kaso ng local transmission sa bansa.

Mahigpit na ipinaalala sa mamamayan ang ibayong pag-iingat at sundin ang mga payo ng kagawarang pangkalusugan hinggil sa kalinisan sa katawan.

Sa paggunita ng Miyerkules ng Abo, tinatawagan ng Simbahan ang mananampalataya na magtika, manalangin at magbigay ng limos sa nangangailangan bilang pakikiisa sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus.

“Let us not be side-tracked by the corona virus in living the season of grace this lent,” ayon kay Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,631 total reads

 48,631 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,132 total reads

 135,132 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,169 total reads

 178,169 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,928 total reads

 227,928 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,961 total reads

 386,961 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top