Maawa kayo sa mamamayan, panawagan ng Obispo sa ika-34 anibersaryo ng EDSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 565 total reads

Itigil na ang corruption, panawagan ng Obispo sa ika-34 anibersaryo ng EDSA.

Nanawagan si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mga namumuno sa bansa na pairalin ang mabuting pangangasiwa sa pamahalaan para sa kapakinabangan ng bawat Filipino.

Sa pagninilay ng Obispo sa paggunita ng ika – 34 na taon ng EDSA People Power Revolution, binigyang pansin nito na ang tunay na malayang mamamayan ay magdudulot ng kapayapaan at pagkakaisa ng lipunan.

“Maghunos dili at maawa naman kayo sa mamamayan; itigil na ang korapsyon, ang paniniil at ang panloloko sa mga mamamayan,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Hinimok din ng Obispo ang taumbayan na manindigan para sa katotohanan,matutuhang magsalita at tumutol sa mga kaganapang hindi nararapat at purihin ang mga ginagawang kapuri – puri na pinakikinabangan ng lipunan.

Inihalimbawa ni Bishop Bacani ang mga pagpaslang sa bansa na dapat tutulan sapagkat ito ay lumalabag sa karapatan ng tao at nagdudulot ng takot sa mamamayan.

“Sapagkat kung tayo’y tumahimik sa kabila ng mga ginagawang pagpatay; ang namamayani ay yung marunong manakot at marunong magpakita na kaya nila ang bayan,” dagdag pa ng obispo.

Sa kasalukuyang tala ng iba’t ibang human rights group, halos nasa tatlumpong libo na ang napaslang sa gitna ng kampanya kontra droga habang noong panahon ng martial law naman ay higit sa tatlong libo ang pinaslang, 35 libo ang pinahirapan habang tinatayang nasa 70 libo ang ipinakulong.

PAMAMAHAYAG

Binigyang pansin din ni Bishop Bacani na malaki ang kaibahan sa pamamahayag sa bansa sapagkat sa halip na umusbong ay umuurong ito bunsod ng panggigipit at mga bantang natatanggap.

“Pagdating sa pamamahayag umurong tayo ng malaki kumpara noon,” ayon kay Bishop Bacani.

Ito marahil sa sistemang pagiging mapanakot ng Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pinagagalitan at minumura ang mga kritiko at ang mga pumupuna sa kanyang pamamalakad sa bayan.

Gayunpaman, sinabi ni Bishop Bacani na kumpara noong Martial law may kalayaan pa rin ang mga tao na magpahayag ng kanilang saloobin ngunit ito ay sinisiil kaya’t mahalagang matutuhang manindigan.

“Hindi pa naman kasing lala noon (martial law) pero kung hindi tayo maging mapagbantay, aabot tayo doon sa karanasan noong batas militar,” giit ni Bishop Bacani.

Matatandaang ipinasara ng rehimeng Marcos ang mga istasyon ng radio at telebisyon noong martial law subalit nagpatuloy ang Radio Veritas 846 sa paghahatid ng mga impormasyon at naging daan upang magtipun-tipon ang taumbayan sa EDSA kasunod ng panawagan ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 25,914 total reads

 25,914 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 174,512 total reads

 174,512 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 209,188 total reads

 209,188 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 225,244 total reads

 225,244 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 261,730 total reads

 261,730 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 269,869 total reads

 269,869 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top