PRO7 Chaplain Service, kaisa ng PNP sa pagpapatupad ng kaayusan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 685 total reads

March 26, 2020, 1:03PM

Inihayag ng Police Regional Office 7 Chaplain Service na magpapatuloy ang paglilingkod nito sa mga kawani ng Pambansang Pulisya lalo na sa mga frontliners na kaisa ng pamahalaan sa pagpapatupad ng kaayusan sa buong bansa.

Ayon kay Police Colonel Rev. Fr. Ronilo Datu, mahalagang mapalakas ang mga pulis hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi maging sa espiritwal.

Aniya, sa pagpatupad ng mga gawaing simbahan ngayong semana santa mahigpit na ipatutupad ang mga safety protocols na inilabas ng Department of Health bilang pag-iingat sa kalusugan.

“Except for the blessing of palms, procession and washing of the feet, all Holy Week celebration will be administered observing social distancing at all times,” pahayag ni Fr. Datu sa Radio Veritas.

Magugunitang unang sinuspende ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga gawaing pansimbahan sa bansa makaraang isailalim ng gobyerno sa enhanced community quarantine ang buong Luzon partikular ang National Capital Region kung saan malaking bahagdan sa mga nagpositibo ng Corona Virus Disease ay mula sa Metro Manila.

Bagamat suspendido,ipinagpatuloy ng PRO 7 chaplain service ang mga banal na misa gamit ang makabagong teknolohiya.

Dagdag pa ni Fr. Datu na gaganapin pa rin ang Visita Iglesia sa kakaibang pamamaraan na kung saan tutukan ang mga police frotliners sa mga checkpoints at maging ang pagdadala ng banal na komunyon.

“Visita Iglesia will be modified by bringing the Blessed Sacrament to our frontliners; Communion will be distributed by the chaplain to every personnel deployed in every IATF post,” saad ni Pol. Col Fr. Datu.

Noong ika – 25 ng Marso nakiisa rin ang PNP region 7 sa pananalangin ng mga panalanging itinuro ng Ama sa bawat isa ang “Ama Namin” bilang pagtalima sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco upang hilingin sa Diyos ang habag at awa na mapuksa na ang nakahahawang COVID 19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,595 total reads

 48,595 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,096 total reads

 135,096 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,133 total reads

 178,133 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,892 total reads

 227,892 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,928 total reads

 386,928 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top