Frontliners na walang matutuluyan, tatanggapin ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 567 total views

March 28, 2020, 12:55PM

Tiniyak ng Obispo ng Diocese ng Kalookan ang pagtanggap sa mga frontliner workers na walang matutuluyan.

Ito ang tugon ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay sa ulat na pinapaalis na sa kanilang tinutuluyan ang ilang mga medical workers dahil sa pangambang makapag-uwi ng nakakahawang corona virus disease.

Ayon kay Bishop David, nakahanda at bukas ang dormitory ng diyosesis sa mga frontliners na nangangailangan ng masisilungan.

“Our frontliners will be most welcome in dorms and bedrooms of religious and diocesan formation centers and retreat houses,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop David.

Sinabi ng obispo na magsisilbing contact person ng mga health care provider na nangangailangan ng matutuluyan si Fr. Angel Cortez,OFM ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) para sa religious at retreat houses na tutuluyan ng mga medical worker na malapit sa kanilang pinalilingkurang hospital.

Ang A-M-R-S-P ay binubuo ng 283 Religious congregations.

Nagpalabas rin ng circular ang Catholic Bishops Conference of the Philippines at hinihikayat ang may 86 na diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa na buksan ang kanilang mga parokya at pasilidad bilang pansamantalang tahanan.

Ang Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Guia sa Ermita, Manila ay magbibigay ng tutuluyan para sa mga frontliners mula sa Manila Doctors hospital.

Ayon sa pamunuan ng Ermita Shrine ; “We will accommodate 33 Medical Frontliners from Manila Doctors Hospital.”

Ang dambana ay may 17 silid para sa isang tao, isang silid na may dalawang higaan at dalawang dormitoryo para sa 15 katao.

Ang Nazarene Catholic School naman ang tumatanggap ng mga health care workers na nagsisilbi mula sa San Lazaro Hospital.

Ilang pang mga temporary shelters ng binuksan ng simbahan ay ang St. Mary’s College sa Quezon City; St. Anthony Shrine Sampaloc, Manila; Holy Spirit Convent-Quezon City, at FMM Convent Pandacan, Manila.

Habang ilan pang katolikong paaralan ang naging pansamantalang tahanan ng mga taong lansangan sa loob ng isang buwang pag-iral ng community quarantine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 18,931 total views

 18,931 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 46,936 total views

 46,936 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 64,736 total views

 64,736 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 63,948 total views

 63,948 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 175,024 total views

 175,024 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top