Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagdiriwang ng Semana Santa, tuloy

SHARE THE TRUTH

 419 total views

March 28, 2020, 5:05PM

Tiniyak ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na ipagpapatuloy ng simbahan ang pagdiriwang ng Semana Santa.

Gayunman, nilinaw ni Bishop Pabillo na ang lahat ng gawain ay isasagawa ng walang kongregasyon o walang pagdalo ng maraming mga mananampalataya dulot na rin ng umiiral na lockdown.

Inihalimbawa ng Obispo ang misa para sa Palm Sunday na mapapanood at mapapakinggan sa radyo, telebisyon at livestreaming ng bawat parokya.

“Tuloy-tuloy po ang mga celebrations ng mga simbahan ngayong Semana Santa but not in public, walang congregations. So mayroon po tayong pagdiriwang ng misa sa Palm Sunday pero wala pong tao,” ayon kay Bishop Pabillo.

Inihayag ng Obispo na maaring ipagdirwang ang Linggo ng Palaspas kahit walang palaspas, dahil ang mahalaga sa pagdiriwang ay ang pagtanggap ng bawat mananampalataya kay Hesus.

“Siguro sa ganitong pagkakataon na makita natin, ano ba ang meaning ng ating ginagawa hindi lang yung mga palaspas yung mga externalities yung meaning kung ano ang meaning ng palaspas? Tanggapin natin si Hesus sa buhay natin at magagawa natin ‘yun ng walang palaspas,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ang Linggo ng Palaspas ay ginugunita tuwing ika-anim na linggo ng Kuwaresma bago ang pagsisimula ng Mahal Araw na ginugunita ng mga kristiyano ang pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem bago ang kalbaryo o ang hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa.

Ang Holy Week ay magsisimula sa ika-5 ng Abril at magtatapos ng Sabado sa ika-11 ng Abril na susundan naman ng pagdiriwang ng sambayanang kristiyano ng Linggo ng Muling Pagkabuhay o ang Easter.

PAGTANGGAP NG SAKRAMENTO

Ayon pa sa Obispo, hindi tatanggihan ng simbahan ang mga pangangailangang espiritwal ng bawat mananampalataya lalu na sa pagtanggap ng mga sakramento.

Kabilang dito ang sakramento ng kumpisal, pagpapahid ng santo olyo para sa mga maysakit, misa at pagbabasbas sa mga namayapa.

“Patuloy po tayo sa pagbibigay ng ating mga ministries sa kanila. Kaya sa mga maysakit patuloy po ang pagbibigay natin ng anointing of the sick, magtawag lamang sila Parokya,” ayon kay Bishop Pabillo.

Sinabi ng Obispo na may panuntunan nang inilabas ang simbahan na susundin ng bawat pari sa ganitong pagkakataon gayundin ang pagtalima sa umiiral na enhanced community quarantine tulad ng social distancing o pagtitipon ng maraming tao.

Kaugnay naman sa mga namayapa dahil sa pagtataglay ng coronavirus disease ay handa rin ang simbahan na magbigay ng basbas kung dadalhin ito sa simbahan.

Bagama’t sa protocol ng Department of Health ang labi ng nasawi dahil sa COVID-19 ay agad namang kini-cremate.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,779 total views

 10,779 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,739 total views

 24,739 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 41,891 total views

 41,891 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 92,317 total views

 92,317 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 108,237 total views

 108,237 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 8,051 total views

 8,051 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 27,385 total views

 27,385 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top