Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

3-milyong pamilya sa Mega-Manila, napagkalooban ng tulong ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 1,371 total views

April 5, 2020, 2:47PM

Mahigit tatlong milyong mahihirap na pamilya na apektado ng COVID-19 pandemic sa nasasakupan ng sampung (10) Diocese at Archdiocese sa Mega-Manila ang nabigyan ng tulong ng Caritas Manila, ang social action arm ng Archdiocese of Manila.

Ibinahagi ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Rev. Father Anton CT Pascual na “as of April 4, 2020” ay umabot na sa 3,258,995 na miyembro ng mahihirap na pamilya ang nabigyan ng OPLAN DAMAYAN ng tig-iisang libong GC, Ligtas COVID kit at Manna packs.

Sinabi ni Father Pascual na naging bahagi sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektado ng Enchanced Community Quarantive ang 631 parokya mula sa 10-Diocese at Archdiocese sa Metropolitan Manila.

Ayon sa pinuno ng Caritas Manila, kabuang 999,112,500 na GC’s na ang naipamigay ng Caritas Manila sa may 651,799 na pamilya bukod pa ang Ligtas COVID kit at Manna packs.

Taos-puso namang nagpapasalamat si Father Pascual sa mga negosyanteng bahagi ng OPLAN Damayan na nagbibigay ng 1.2-bilyong halaga ng GC’s sa tiwalang ipinagkaloob sa Caritas Manila na maging daluyan ng grasya para sa mga urban poor families.

Dahil sa napakalaking epekto ng Luzon-wide Enchanced Community Quarantine sa mga mahihirap na pamilya, umaapela si Father Pascual sa mga Good Samaritan na magbahagi ng kaunting tulong sa kapwang nagdadarahop sa kasalukuyan.

Upang mapalawak pa ang pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap, magsasagawa ang Caritas Manila at Radio Veritas ng “Damay Kapanalig” Alay COVID telethon sa ika-6 ng Abril, 2020.

Magsisimula ang Damay Kapanalig ALAY COVID telethon ng 7:00AM(ala-siete ng umaga) hanggang alas-sais ng gabi.

Inaanyayahan ni Father Pascual ang sambayanang Filipino na makiisa sa telethon at mag-alay kapwa sa mga apektado ng COVID-19 pandemic ngayong Semana Santa.

Tiwala ang Pari na sa pamamagitan ng pagtutulungan ay mapagtagumpayan ng mga Filipino ang pandemya na dulot ng COVID-19.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 5,833 total views

 5,833 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 13,933 total views

 13,933 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 31,900 total views

 31,900 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 61,265 total views

 61,265 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 81,842 total views

 81,842 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Arnel Pelaco

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 5,010 total views

 5,010 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Disaster News
Arnel Pelaco

Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine

 8,635 total views

 8,635 total views Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine Nararanasan ngayon sa buong Bicol Region ang malakas na pag-uulang nagdulot na ng pagbaha dahil sa epekto

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 71,011 total views

 71,011 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Laban kontra smuggling, palalakasin ng PCL

 27,530 total views

 27,530 total views Magiging mas epektibo ang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling sa pagbuhay sa Philippines Customs Laboratory (PCL). Ayon kay Customs

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top