Nagpapakalat ng fake news na nagdudulot ng “paranoia”, pinuna ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,583 total reads

April 6, 2020, 12:03PM

Hindi kailanman katanggap-tanggap ang pagpapalaganap ng fake news lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa at ng buong daigdig mula sa pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay CBCP – Episcopal Commission on Social Communication Chairman Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., hindi nakatutulong para sa kasalukuyang sitwasyon ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa nakahahawa at nakamamatay na sakit na maaring magdulot ng lubos na pangamba at takot sa mga mamamayan.

Nanawagan ang Obispo sa lahat na ibahagi ang tunay na payo ng mga eksperto na pagpapalakas ng resistensya at pangangatawan gayundin ang spiritual nourishment na magbibigay ng pag-asa sa mamamayan.

“Hindi ko maintindihan talaga who ever creates this fake news kung anong gusto talaga nilang ma-achieve dito sa paranoia na nalilikha nila, I really don’t understand them very well but sometimes we have to accept the fact that maraming nagagawa niyan so again do not live in fear. Napakarami din namang lumalabas na na sabihin na natin pages or even impose on how to prevent getting contaminated of this virus and then how to fight the virus by strengthening our body and our immune system. So hindi dapat talaga katakutan siya in the sense na maging paranoid ka dapat cautionary lang ang maidudulot nito.” pahayag ni Bishop Maralit sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang pinaigting ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group ang isinasagawang “cyber patrolling” sa iba’t ibang social media sites upang labanan ang pagkalat ng fake news kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Maaring maparusahan ng anim na buwan hanggang sampung taong pagkakakulong ang sinumang mapapatunayang nagpapakalat ng fake news online na maaring magdulot ng takot at matinding pangamba sa publiko.

Hinamon din ng Archdiocese of Manila Social Communication Ministry ang bawat isa na gamitin ang social media sa paninindigan para sa mga adbokasiya at mabuting balita ng Panginoon lalo na ngayong Semana Santa.

Batay sa datos ng Digital 2018 report ng London, United Kingdom-based consultancy na We Are Social, nangunguna pa rin ang Pilipinas sa social media usage sa buong mundo kung saan umaabot sa 9 na oras at 29 na minuto kada araw ang ginugugol ng nasa 67-milyong internet users sa bansa.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 15,577 total reads

 15,577 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 33,038 total reads

 33,038 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 73,004 total reads

 73,004 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 107,131 total reads

 107,131 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 163,537 total reads

 163,537 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top