COVID-19 pandemic, malulutas “In God’s Time”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 576 total reads

April 7, 2020, 11:11AM

Umaasa ang dating opisyal ng Radio Veritas na malutas ang krisis na dulot ng corona virus disease sa lalong madaling panahon sa tulong ng habag at awa ng Panginoon.

Sa pagninilay ni Reverend Father Larry Faraon dating general manager ng himpilan at kasalukuyang priest anchor ng Healing Touch Sunday edition, binigyang diin nito na oras ang kalaban sa pagsugpo ng COVID 19 sapagkat mabilis ang pagkalat nito sa buong daigdig kaya’t bukod tanging Diyos lamang ang makapagpapahinto nito.

“Maso-solve itong krisis na ito [COVID 19] in His [God] time, sa oras ng Diyos,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Faraon.

Ipinaliwanag ng pari na sa 3T’s (Time, Talent, Treasure) na maaring ibahagi ng tao sa paglilingkod sa simbahan at sa Diyos, bukod tanging oras lamang ang maiaalay ng tao sa kasalukuyan sapagkat kanselado ang lahat ng mga pagtitipon sa buong bansa dahil sa mahigpit na panuntunan na ipinatupad ng gobyerno.

Dahil dito, hinikayat ni Fr. Faraon ang bawat mananampalataya na gamitin sa mabuting pamamaraan ang oras na ipinagkaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapalago ng ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya at higit sa lahat ang pakikipag-ugnayan sa Diyos.

“We offer our best [time] to the Lord, dapat palaging best time ang ibibigay natin sa Kanya,” pagpapatuloy ng pari.

Pinaalalahanan ni Fr. Faraon ang bawat isa na mahalaga ang oras ng bawat tao sapagkat ito ay biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan na hindi maaring balikan kung lilipas.

Kasalukuyang pinaiigting pa ng gobyerno ang pagtugon sa pagsugpo ng COVID 19 sa Pilipinas kung saan sa kasalukuyang tala umabot na sa mahigit tatlong libo ang bilang ng nagtataglay ng virus sa bansa.

Sa kabila naman ng panganib sa kalusugan, patuloy naman ang pagkilos ng simbahang katolika sa pangunguna ng mga social action arm nito tulad ng Caritas Philippines, Caritas Manila at mga arkidiyosesis at diyosesis sa bansa sa pagbibigay ng ayuda sa mga dukhang labis na naapektuhan sa ipinatupad na enhanced community quarantine na pinalawig pa hanggang ika-20 ng Abril, 2020.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 35,189 total reads

 35,189 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 71,694 total reads

 71,694 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 89,905 total reads

 89,905 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 174,233 total reads

 174,233 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 210,010 total reads

 210,010 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,678 total reads

 4,678 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top