Pagmimina sa Manicani at Homonhon island,ipatigil na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,260 total reads

Hiniling ni Rev. Fr. Niño Garcia – Parish Priest ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Manicani island, Guian Eastern Samar, kay Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang pagpapatigil sa pagmimina o ore mining sa Manicani at Homonhon Islands.

Ayon sa Pari, malaking dagok para sa mga lokal na residente na naninirahan lamang sa isang maliit na isla at lubhang nakadepende sa karagatan at kabundukan ang ang perwisyong idinudulot ng pagmimina.

“Para po dito sa amin sa isla ng Manicani, we are hoping na marinig sa pangulo ang tungkol sa mina. Para sa amin dito sa Manicani, gusto sana naming itigil ang pagmimina, sa mga maliliit na isla tulad ng isla ng Manicani, at isla ng Homonhon, kung saan ang primary na ikinabubuhay ng tao ay ang karagatan at ang kabundukan,” panawagan ni Father Garcia as Radyo Veritas.

Samantala, umaasa naman si Fr. Garcia, na ibabahagi ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez kay Pangulong Duterte ang mga mahahalagang aral ng Santo Papa sa Laudato Si.

Dagdag pa ni Fr. Garcia, sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasabuhay sa Laudato Si ay mas malilinang ng bansa ang paggamit sa likas na yaman nito.

“We are hoping na sana maging open ang ating presidente duon sa sinulat ng ating Santo Papa yung Laudato Si at hopefully i-enlighten sya ng ating madam secretary tungkol doon sa mga concrete points na sinasabi ng ating Santo Papa na makatutulong paano pangalagaan, mahalin, at pakinabangan ang mga kayamanan ng ating bansa,” dagdag pa ni Fr. Garcia.

Ang Manicani island na bahagi ng Guian Eastern Samar ay mayroong 3,000 residente na pangunahing inaasahan ang karagatan na pinagkukunan nito ng kabuhayan.

Bahagi rin ito ng Guiuan Bay Protected Landscape and Seascape sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 469.

Ang mga kumpanya namang nagmimina dito ay ang Nickel Asia Corporation at Hinatuan Mining Corporation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 47,847 total reads

 47,847 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 134,348 total reads

 134,348 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 177,385 total reads

 177,385 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,144 total reads

 227,144 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,225 total reads

 386,225 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,097 total reads

 23,097 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,744 total reads

 52,744 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,588 total reads

 45,588 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top