Paggalang sa karapatang pantao, hindi hadlang sa pag-unlad ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 896 total reads

Isinusulong ng Green thumb coalition ang People Centered Sustainable Development bilang tugon sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa grupo upang maisakatuparan ang maayos, malinis at makakalikasang pag-unlad, kinakailangan pa ng ibayong pagbibigay pansin ng pamahalaan sa mga usapin ng sustainable food, water and energy, climate justice and human rights justice, environment rehabilitation at climate resiliency lalo’t higit sa mga magsasaka, proper waste management, Yolanda survivors’ rehabilitation, at usaping pang kalusugan.
Bukod dito, inihayag ng Green thumb coalition ang pagtutol nito sa laganap na summary executions at extrajudicial.

Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa – Secretary General ng Sanlakas, nakababahala ang pahayag ni Pangulong Duterte na huwag gamitin ang karapatang pantao bilang dahilan upang masira ang bansa.

Dagdag pa ni Pedrosa, hindi dapat pagbanggain ang usapin ng pagpapaunlad sa bansa at ang karapatang pantao.

“Ang batayan ng pagunlad ay ang pagkalinga sa karapatang pantao ng mamamayan. Walang lugar sa isang pamahalaan na nangangako ng pagbabago kung ang landas na tinatahak ay dinidiligan ng dugo ng mamamayan.” pahayag ni Pedrosa.

Samantala, inihalintulad ni Jaybee Garganera, National Coordinator ng Alyansa Tigil Mina, ang karapatan ng mga lokal na residente sa malinis at maayos na paligid, sa karapatan ng mga biktima ng summary executions at extrajudicial killings.

“Yun tuntungan ng kampanya ng ATM laban sa malakihan at mapanirang pagmimina, ay yung karapatang pantao ng mga maliliit mahihirap at mga katutubo na sila yung dapat na pakinggan kung papayagan nga o hindi yung mining, so wala itong pinagkaiba dun sa hanay ng mga karapatang pantao na everyone is entitled to,” ang bahagi ng pahayag ni Garganera.

Gayunman, sa kabuuan ay positibo ang pananaw ng mga grupong bumubuo sa Green thumb Coalition sa administrasyong Duterte at umaasa ito na mananatiling bukas ang kanilang ugnayan sa pagitan ng mga Departamento ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 47,754 total reads

 47,754 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 134,255 total reads

 134,255 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 177,292 total reads

 177,292 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,051 total reads

 227,051 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,136 total reads

 386,136 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,095 total reads

 23,095 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,742 total reads

 52,742 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,586 total reads

 45,586 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top