Curfew ordinance, dapat pag-aralang mabuti

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 459 total views

Umaasa si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity na muling mapag-aaralan at masusuri ang nasasaad sa “curfew ordinance” matapos pansamantalang suspendihin ng Korte Suprema ang implementasyon nito sa Maynila, Quezon City at Navotas.

Ayon sa Obispo, dapat ring ikonsidera ng mga otoridad at mga mambabatas ang reyalidad ng modernong panahon partikular na ng mga estudyanteng hindi maiwasang gabihin ng pag-uwi sa kanilang mga tahanan.

“Dapat pag-usapan pa ng maayos itong mga TRO sa curfew kasi totoo iba na yung reyalidad ngayon maraming estudyante gabi na umuuwi, mayroon tayong mga iba pang mga lakad so dapat tingnan na hindi naman masyadong ma-pertail ang freedom ng mga kabataan. Tingnan ano ba talaga yung tinututulan ng curfew at ayaw ng Supreme Court at ayusin siguro ng batas,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Sa kabila nito, nanawagan rin ang Obispo sa mga kabataan na sumunod sa batas at mga alituntuning ipinatutupad sa pamayaman na naglalayung mapabuti ang kapakanan ng bawat isa.

Kasabay ng Temporary Restraining Order sa isinampang petisyon ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK), inatasan rin ng Supreme Court ang mga lokal na opisyal ng tatlong lungsod na maghain ng komento kaugnay sa nasabing petisyon.

Paliwanag ng mga mahistrado, ang ginagawang pagdeditine sa mga menor de edad gamit ang curfew ordinance ang pinag-aaralang iligal sa pagpapatupad ng Manila City Ordinance No. 8046, Quezon City Ordinance No. SP-2301 at Navotas City Ordinance No. 2002-13.

Partikular na nakasaad sa isinampang petisyon ng grupo ang paglabag ng tatlong lungsod sa Republic Act (RA) No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act kung saan hindi maaring iditene ang mga kabataang edad 18 taong gulang pababa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 16,233 total views

 16,233 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 44,584 total views

 44,584 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 112,314 total views

 112,314 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 135,465 total views

 135,465 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 204,517 total views

 204,517 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top