Sangguniang Laiko ng Pilipinas, umaasang hindi magamit sa pang-aabuso ang anti-terror law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 677 total reads

July 9, 2020, 1:42PM

Umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na magkakaroon ng mga naaangkop na guidelines ang pagpapatupad ng Republic Act No. 1-1-4-7-9 o Anti-Terrorism Act of 2020 upang matiyak na hindi ito maabuso laban sa mga inosenteng mamamayan.

Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Rouquel Ponte, mahalagang maging mapagmatyag at mapagbantay ang lahat sa panganib na dulot ng naturang batas.

Pinaalalahanan rin ni Ponte ang mga otoridad na maging makatarungan sa pagpapatupad ng batas upang maiwasan ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga inosenteng mamamayan.

“It’s a law already so it has to be implemented. Sana yung mga guidelines so that there will be no abuses ay bantayan din ng mga authorities at the same time maybe the general public especially those who are seeing some concerns regarding this law. Maging mapagmatyag para ma-express din so let’s be vigilant as well”. pahayag ni Ponte sa panayam sa Radio Veritas.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Ponte sa naging marahas na implementasyon ng pamahalaan partikular na sa War on Drugs kung saan libo-libo ang nasawi na hindi nabigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang sarili sa hukuman.

“Unfortunate nga lang yung track record of this government has not been very high in terms of human rights but hopefully let us pray that as the general population becomes more vigilant and they will express parang the rights are respected hopefully hindi naman maabuso ito…“ Dagdag pa ni Ponte

Naunang ikinadismaya ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Anti-Terrorism Act of 2020 na maituturing na pagpapakita ng pagkamanhid nito sa pangangailangan ng bansa na nahaharap sa krisis na dulot ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, may tatlong petisyon na ang inihain sa Korte Suprema na humihiling ng temporary restraining order o T-R-O laban sa batas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,204 total reads

 56,204 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,700 total reads

 142,700 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,737 total reads

 185,737 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,496 total reads

 235,496 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,026 total reads

 394,026 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top