Obispo, dismayado sa pagbasura ng mga kongresista sa ABS CBN franchise renewal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 745 total reads

July 11, 2020-11:00am

Dismayado si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa pagtanggi ng House Committee on Legislative Franchises na gawaran ng 25-taong prangkisa ang ABS-CBN.

Tiniyak naman ng Obispo ang pakiisa ng simbahan sa Kapamilya Network at umaasa sa kanilang muling pagbangon.

Ikinalulungkot ni Bishop Pabillo ang naging desisyon ng kongreso sa kabila na rin ng problemang kinaharap ng bansa na dulot ng pandemic novel coronavirus kung saan hinit na kinakailangan ang iba’t ibang mapagkukunan ng mga balita at impormasyon ng publiko.

Hiling din ng obispo sa bawat mamahayag na magkaisa at hindi dapat matakot na magsalita at tuwinang ipahayag ang katotohanan sa kabila ng sinapit ng ABS-CBN.

“Kaya susuportahan natin sila sa anumang magagawa natin. Kasi mas kailangan natin na mas maraming mga news platform para maging balance ang news natin. At dahil sa pangyayaring yan hindi dapat tayo matakot na magsalita, kaya nga yan ang isang dahilan niyan para takutin yung ibang mga mamamahayag kaya hindi dapat, dapat suportahan natin magkaisa ang mga mamamahayag,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Ayon pa sa obispo, dulot ng pagsasara ng istasyon na kabawasan sa mapagkukunan ng balita at impormasyon mahigit din sa 11,000 empleyado ang mawalan ng trabaho sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo, lumalabas din sa 12-araw na pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na walang batas na nilabag ng himpilan na maaring gamiting batayan para hindi gawaran ng prangkisa.

“Yun ngayon ang problema sa panahon na maraming mga tao ay walang trabaho ay dinadagdagan pa sa halip na makatulong sila dinadagdagan pa. Yung mga taong nangangailangan ng impormasyon na naabot ng ABS-CBN ngayon nakukulangan ng impormasyon at saka yung mga taong may trabaho ay tinatanggalan pa ng trabaho sa hindi naman ganun kahalaga na binibintang nila sa ABS-CBN hindi naman nga mabigat ang mga binibintang nila at napatunayan naman ng ABS-CBN na hindi naman totoo,” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Sa botong 70-Yes; 11-No, 2-inhibit, at 1-abstained ay inaprubahan ng mga miyembro at ex-officio members ng House Committee on Legislative Franchises ang resolusyon katuwang ang House Committe on Good Government and Public Accountability na nagsasabing hindi dapat bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,227 total reads

 56,227 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,723 total reads

 142,723 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,760 total reads

 185,760 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,519 total reads

 235,519 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,047 total reads

 394,047 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top