Kumpanyang nagpapatupad ng contractualization, binalaan ng ECOP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 503 total views

Binalaan na ng Employers Confederation of the Philippines o ECOP ang lahat ng mga kumpanyang nagpapatupad ng kontraktwalisasyon sa kanilang mga empleyado.

Ayon kay ECOP chairman emeritus Donald Dee, kailangang sumunod ang mga employers sa batas at pinahigpit na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra – ENDO o “end of contract,” na hinayaan lamang ng nakaraang administrasyon.

Binanggit rin ni Dee na dahil sa nais ibidang datos ng Aquino administration na mapababa ang unemployment rate sa bansa ay napabayaan ng pamahalaan na proteksyunan ang karapatan ng mga ordinaryong manggagawa.

“Sundin lang yung batas dahil ang unang – una yung ENDO na 555 ay talagang iligal naman yan. Kaya naman dati ay hindi hinuhuli dahil ang pananaw noong gobyernong nakaraan ay mas mabuti na yung marami ang nagta – trabaho. At yung data nila sa unemployment ay ayaw nilang mapabagsak masyado pero ngayon ang pananaw at parang kailangang proteksyunan lahat ng manggagawa at kami naman ay agree doon at handang sumuporta roon,” bahagi ng pahayag ni Dee sa panayam ng Veritas Patrol.

Tumutugon naman ang ECOP sa pakikiisa sa pangulo upang labanan ang talamak na ENDO sa pagsasagawa ng isang forum upang maisaligal na ang outsourcing ng ilang kumpanya sa Department of Labor and Employment.

“Para mawala na yang ENDO sinasabi namin sa mga principal companies na kumpanyang malalaki na nagpapa – outsource na kailangan na naka – register sa DOLE yung mga kinakausap nilang mga kontraktwal dun sa kanilang outsourcing para malagay sa legal at kung hindi sila naka – register ay huwag bigyan ng kontrata,” giit pa ni Dee sa Radyo Veritas.

Nabatid na Tumaas ng 6.1 porsyento ang unemployment rate nitong buwan ng Abril 2016. Ayon sa Philippine Statistics Authority, katumbas ito ng 2.6 na milyong mga Pinoy na walang trabaho.

Magugunita na sa Laborem Exercens ni St. John Paul II sinabi nito na mahalagang kilalanin ng lipunan ang dignidad ng mga manggagawa sapagkat kaisa sila sa pag – unlad ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,781 total views

 18,781 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,795 total views

 68,795 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 64,664 total views

 64,664 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,657 total views

 100,657 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,348 total views

 108,348 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 82,007 total views

 82,007 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 271,629 total views

 271,629 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top