Pagbabalik seminaryo ng mga seminarista, hindi pinayagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 807 total views

July 31, 2020, 1:07

Nangangamba si Novaliches Bishop Roberto Gaa sa muling pagbabalik ng mga seminarista sa mga seminaryo hangga’t patuloy pa ring dumarami ang bilang ng mga nahahawaan ng novel coronavirus.

Ayon kay Bishop Gaa, hindi niya nais na mailagay sa panganib ang mga seminarista lalu’t iba ang paraan ng simbahan sa kanilang paghuhubog at pag-aaral sa mga seminaryo.

“Masyadong malaki iyong risk na hindi pa natin nako-control ang virus na ito, paano kung may ma-infect diyan kahit isa? Dahil sa intense ang engagement, the risk is very high. Hindi lang ng infection. Kung maging kritikal iyan, sino ang mananagot diyan? Parang hindi ko matanggap na I will put even one life at risk. I am not willing to put anybody at risk,” ayon kay Bishop Gaa sa Pastoral Visit on-air ng Barangay Simbayanan.

Ang Diyosesis ay may 50 diocesan seminarians na nag-aaral sa St. Vincent, Immaculate Conception, San Carlos at San Jose Seminary.
“Ako nagdecide na hindi muna sila pababalikin… Puwede namang maghintay ng isang taon at hindi naman tayo nagmamadali. What is more important now is mabuhay. So lahat sila distant learning sa bahay lang,” ayon pa kay Bishop Gaa.

Paliwanag pa ng obispo, hindi rin niya gustong maging dahilan ang simbahan, parokya at o ang diyosesis nang mas marami pang tao na mahawa ng pandemya.

Una na ring naitala ng Department of Health (DoH) ang may apat na libong kaso ng Covid-19 sa loob lamang ng isang araw.

Bago naging obispo ng Novaliches si Bishop Gaa ay nagsilbing rector ng Holy Apostles Senior Seminary sa Guadalupe, Makati City.
Gumawa na rin ng panuntunan ang CBCP-Episcopal Commission for Seminaries na pinamumunuan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas kasama na rito ang mahigpit na pagpapairal ng health protocols.

Ayon kay Archbishop Villegas, kinakailangan na tumalima ang mga seminary administration sa ilalim ng pangangasiwa ng obispo na sundin ang itinalagang panuntunan ng pamahalaan.

Kabilang sa mga panuntunan ng komisyon ang pagbabalik eskwela ng mga seminarista nang hindi sabay-sabay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 24,571 total views

 24,571 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 46,576 total views

 46,576 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 70,918 total views

 70,918 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 94,655 total views

 94,655 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 128,585 total views

 128,585 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top