Mga kabataan, hinimok na maging bahagi ng pagbabago sa SK at Barangay elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 436 total views

Mahalaga ang pakikibahagi ng mga kabataan sa pamahalaan kaya’t mahalagang makiisa ang lahat sa nakatakdang SK at Barangay Elections.

Ito ang panawagan ni Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV – chairman Senate Committee on Education, Arts, and Culture dalawang buwan bago ang nakatakdang halalang pambarangay.

Ayon sa Mambabatas mahalagang makisangkot ang bawat isa sa nakatakdang SK at Barangay elections lalo’t inaasahang unang beses ring ipatutupad ang SK Reform Law sa bansa.

“I think yung maganda ring development is lahat ng mga registered na mga 18 years old to 30 automatically nakarehistro na sila sa SK if they voted in the last election so ang mahalaga ngayon palagay ko is pag-isipan nating tumakbo and be part of the process…” pahayag ni Senator Aquino sa panayam sa Radio Veritas.

Nasasaad nga sa bagong SK Reform Law na maaaring bumoto sa SK ang mga may edad na 15 hanggang 30-taong gulang ngunit ang maaari lamang tumakbo para sa katungkulan ay ang mga may edad 18 hanggang 24-taong gulang.

Kaugnay nito, matapos ang dalawang linggong muling pagbubukas ng registration, tinataya ng Commission on Elections na 2-milyon ang mga nagparehistro para sa halalang pambarangay sa ika-31 ng Oktubre.

Samantala, nakatakda naman ang paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbong Barangay at SK Officials mula ika-3 hanggang ika-5 ng Oktubre kung saan bahagi ng COC na lalagdaan partikular ng mga SK Candidates ang pagtiyak na wala silang kamag-anak sa mga halal na opisyal na maaaring maging batayan ng posibleng diskwalipikasyon sa kanilang posisyon.

Matatandaang sa naganap na Encounter with the Youth sa UST, ni Pope Francis noong ika-18 ng Enero taong 2015 ay hinamon nito ang mga kabataan na mag-isip, makiramdam at kumilos upang tunay na makapagbahagi sa kapwa, partikular na sa mga nangangailangan at maging sa kapakanan ng buong bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 39,656 total views

 39,656 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 67,661 total views

 67,661 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 85,461 total views

 85,461 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 83,742 total views

 83,742 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 193,211 total views

 193,211 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

 1,678 total views

 1,678 total views Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa. Ayon kay PAGASA Weather

Read More »
Scroll to Top