Kaunting pahinga, mensahe ni Cardinal Tagle sa Filipino frontliners

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 802 total reads

August 12, 2020, 2:10PM

Kinikilala ng Panginoon ang pagod at hirap ng bawat isa sa paglilingkod sa kapwa na sa kabila ng pagiging abala ay hinikayat ang kaunting pahinga lalu na ngayong pandemya.

Ito ang pagninilay ng kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, ang Prefect of Propaganda Fide na nakabase sa Roma sa isinagawang Kaunting Pahinga: Recollection online for Filipino Frontliners with Cardinal Chito Tagle na inisyatibo ng Caritas Philippines at Dilaab Foundation.

Ayon sa kanyang Kabunyian, ang pagpapahinga ay isang pagkilala rin sa ating limitasyon bilang isang tao na kailangang magpahinga, kumain at magnilay.

“Nakikita ni Hesus ang pagod mo, at alam ni Hesus na marami kang kuwento at alam ni Hesus na maraming tao na gustong lumapit sa iyo parang walang katapusan lalu na sa panahong ito. Iba-iba ang dala, iba-ibang alalahanin iba-ibang worries, iba-ibang anxiety at iba-ibang physical conditions. Ano ang ibig sabihin ni Hesus sa iyo na ‘come to a deserted place rest a little and eat. Kumain ka,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Paalala rin ni Cardinal Tagle na hindi ito dapat ipagwalang bahala upang hindi makaligtaan ang ating pagkatao na mayroon ding pangangailangan.

“Sana po itong ating pinagdadaanan na pandemic na tayo ay tumutugon sana with all the social distancing with all the precautions with all the hard work sana itong imbitasyon ni Hesus kaunting pahinga ay magpaalala sa atin this is not just a case of a pandemic this is a human situation involving human beings involving whether patients, workers, it is about humanity,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Unang nanawagan ang medical frontliners ng 14-day time out dahil sa labis na bilang ng mga nahahawaan ng sakit na nagdudulot ng pagdami ng mga pasyenteng dapat kalingain sa mga pagamutan.

Bilang tugon, nagpatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine ang pamahalaan sa Metro Manila at mga karatig lalawigan ng hanggang sa ika-18 ng Agosto upang mabawasan ang paglabas ng mga tao gayundin ang patuloy na pagdami ng mga nahahawaan ng virus.

Bago pa man magpatupad ng MECQ ang gobyerno, unang nagpatupad ang simbahan kabilang na ang Archdiocese of Manila at siyam pang mga diyosesis sa Metro Manila ng pansamantalang pagsasara ng mga pampublikong pagdiriwang bilang tugon sa panawagan ng mga frontliners.

Sa ulat ng Department of Health, higit na sa limanglibo ng mga health workers ang nahawaan ng Covid-19 kung saan higit sa 30 na ang mga nasawi sa kanilang hanay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 30,785 total reads

 30,785 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 67,586 total reads

 67,586 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,797 total reads

 85,797 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 170,125 total reads

 170,125 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 206,093 total reads

 206,093 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top