Obispo sa mga kabataan, maging bahagi ng social transformation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 826 total views

August 31, 2020

Ipinaalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth sa mga kabataan na maari silang maging bayani sa simpleng pamamaraan.

Ito ang mensahe ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon- chairman ng kumisyon sa mga kabataan sa paggunita ng National Heroes’ Day o Araw ng mga Bayani sa bansa.

Ayon sa Obispo, higit na kinakailangan sa kasalukuyang panahon ang mga bayani na handang magsakripisyo o magpakamartir para sa kapakanan ng mas nakakarami.

Nilinaw ni Bishop Alarcon na maging sa loob ng tahanan, eskuwelahan at pamayanan ay maaring maging bayani ang mga kabataan sa pamamagitan ng pag-aalay ng sarili para sa kabutihan ng iba.

“Ang paggunita natin doon sa mga bayani natin na nag-alay ng kanilang buhay at hindi lang yung mga bayani, yung mga bayani, mga martir. Martyrdom so we are called to be martyrs to make sacrifices for our family, to make sacrifices for our country, to make sacrifices for others so yun we need more than heroes at ang bawat kabataan ay maaring maging bayani sa loob ng bahay, sa eskuwela, sa barkadahan…”pahayag ni Bishop Alarcon sa Radio Veritas.

Umaasa rin si Bishop Alarcon na sa paggunita ng bansa sa Araw ng mga Bayani ay muling mapag-alab sa puso at kamalayan ng mga Filipino partikular ng mga kabataan ang pagnanais na makatulong, makapag-ambag at maibahagi ang kanilang sarili para sa panlipunang pagbabago sa bansa.

Sinabi ng Obispo na higit na kailangan ang tulong at pakikibahagi ng mga kabataan sa nararanasang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

“Yung ating pagdiriwang ng National Heroes’ Day hopefully should rekindle in us, mag-alab na muli ang ating pagnanais na mag-contribute, hindi lang basta magcontribute, magbigay ng ating sarili and the desire to make social transformation yun ang hinihingi natin and sana yung mga kabataan tayo ang magsimula uli…”panghihimok ni Bishop Alarcon.

Tiniyak naman ng Obispo ang pag-aalay ng panalangin sa mga kabataan na magkaroon ng tapang na isulong ang panlipunang pagbabago sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 44,904 total views

 44,904 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 40,773 total views

 40,773 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 76,975 total views

 76,975 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 85,736 total views

 85,736 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 111,241 total views

 111,241 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top