Krus, simbolo ng tagumpay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,486 total reads

Ibinahagi ng opisyal ng Commission on Clergy ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na sa pagtanggap ni Hesus sa krus ay napagtagumpayan nito ang kasalanan ng sanlibutan at nailigtas ang sangkatauhan.

Sa pagninilay ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, ang chairman ng komisyon, sa kapistahan ng pagtatampok sa kabanal-banalang krus ni Hesus, ipinaliwanag nitong marami sa mamamayan ang nagkakasala dahil ayaw mahirapan sa mga hamong kinakaharap sa buhay.

Ngunit sa pamamagitan ng krus ni Hesus ay nakamit ng sanlibutan ang buhay na walang hanggan.

“Niyakap ni Hesus ang krus at dinanas ang pait ng kasalanan habang nananatiling tapat sa Ama. Sa ganung paraan nalupig niya ang kasalanan at kamatayan at binuksan sa atin ang kaluwalhatiang walang hanggan,” pahayag ni Bishop Famadico sa Radio Veritas.

Paanyaya naman ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto sa mananampalataya na pagnilayan ang pagwawagi ni Hesus sa krus sapagkat ito ang instrumento ng kaligtasan ng bawat tao sa mundo mula sa dilim ng kasalanan.

Sinabi ng Obispo na lalo na sa gitna ng krisis na naranasan ng daigdig dulot ng corona virus pandemic kung saan marami sa mamamayan ang nakararanas ng hirap at unti-unting nawawalan ng pag-asa.

“Ang krus ang sagisag ng ating pananampalataya sapagkat dito ay nagkakaroon tayo ng kaligtasan, tumitibay ang ating pananampalataya at ang ating pagharap sa iba’t ibang hamon ng buhay,” saad ni Bishop Presto.

Inihayag ng obispo na sa pagtingala sa krus ni Hesus nawa’y magkaroon ng pag-asa ang bawat isa lalo’t higit ang mahihinang sektor ng lipunan na lubos naapektuhan ng krisis partikular ang mga nawalan ng kabuhayan at mga nabiktima ng COVID-19 na umabot na sa 300-libo.

Inihayag naman ni Batanes Bishop Danilo Ulep na ang kuwento ng krus ang saksi sa paghihirap at pagpapakasakit ni Hesus upang tubusin ang tao mula sa kasalanan kaya’t ito rin ang simbolo ng tagumpay.

“In the life of Christ, He suffered and carried that cross and died on that cross, but it was turn into a symbol of victory from a symbol of shame and cruelty,” ani Bishop Ulep sa Radio Veritas.

Hinihinimok ng mga lingkod ng Simbahan ang mahigit 80 porsyentong Katoliko sa bansa na patuloy magpasalamat sa Diyos sa bawat handog at biyayang kaloob sa gitna ng mga hamon at pagsubok na kinakaharap sa buhay.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 26,505 total reads

 26,505 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 45,110 total reads

 45,110 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 160,889 total reads

 160,889 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 281,469 total reads

 281,469 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 329,369 total reads

 329,369 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top