Makalikasang grupo, ikinatuwa ang “zero waste” sa mga sementeryo sa Todos Los Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,138 total reads

Ikinatuwa ng makakalikasang grupo ang pagsasara ng mga sementeryo sa bansa sa paggunita ng Todos Los Santos dahil sa patuloy na paglaganap ng krisis pangkalusugan dulot ng Coronavirus Pandemic.

Ito’y dahil mababawasan ang pagkalat ng mga basura na pangunahing problemang iniiwan ng mga tao pagkatapos dumalaw sa puntod ng mga yumao.

Ayon kay Living Laudato Si Philippines Executive Director Rodney Galicha, bukod sa pagiging ligtas sa pagkahawa sa virus ay maganda ang magiging epekto ng hakbang dahil marami ang mababawas na basura.

“Kapag wala tayo dun sa sementeryo, marami ‘yung mababawas na mga basura at karamihan naman doon siyempre ‘yung pinagbalutan ng ating pagkain, pinagbalutan ng kandila at marami pang iba.”, pahayag ni Galicha sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Galicha na bagama’t hindi pinapahintulutan ang pagdalaw sa mga puntod sa mismong Todos Los Santos ay mahalaga pa rin ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon, at pag-aalay ng panalangin para sa mga kaluluwa at yumaong banal.

“Ang espiritu naman kasi nung ating pag-aalaala sa ating mga yumao, espiritu naman talaga ‘yun ng tunay na pakikipag-ugnayan sa Panginoon, ay ‘yung siyempre pagpapanalangin sa ikabubuti at ikakapayapa nung kanilang mga kaluluwa.”, ayon kay Galicha.

Noong 2018, aabot sa 8 truck ng basura ang nahakot mula sa Manila North Cemetery makaraang dumagsa ang nasa 1 milyong tao sa paggunita ng Undas o Todos Los Santos.

Ayon naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), aabot sa 2-libong truck ng basura na may kapasidad na 20-tonelada ang nahahakot sa bansa araw-araw kung saan ang 450 dito ay mula sa Metro Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,624 total reads

 48,624 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,125 total reads

 135,125 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,162 total reads

 178,162 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,921 total reads

 227,921 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,954 total reads

 386,954 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,601 total reads

 191,601 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top