Patuloy na pananalangin para sa kaligtasan ng frontliners, hiling ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 638 total views

October 1, 2020-11:56am

Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang tungkulin ng frontliners na hinarap ang panganib sa paglilingkod sa bayan sa kabila ng nararanasang pangkalusugang krisis dulot ng Covid-19.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, malaki ang ginagampanan ng mga medical at service frontliners sa kampanyang sugpuin ang paglaganap ng corona virus sa lipunan.

“Hindi naman talaga makakakilos ang simbahan, ang gobyerno kung walang frontliners, talagang sila yung nagtataya ng kanilang sarili at nalalagay sa panganib kaya’t mahalaga rin na ipagdasal sila [frontliners],” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Sa huling datos ng Department of Health nasa pitong libong medical frontliners na ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan 31 na ang nasawi.

Libo-libo na ring mga service frontliners lalu na mula sa hanay ng mga pulis at sundalo na katuwang sa pagpapatupad ng kaayusan sa buong bansa ang hindi rin nakaligtas mula sa pagkahawa sa sakit.

Hinikayat din ni Bishop Pabillo ang mananamapalataya na hingin ang tulong ng mga banal, lalo na kina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calunsod na kapwa mga Filipinong Santo upang maging tagapamagitan ng sambayanan sa kinakaharap na krisis dulot ng COVID-19.

Giit ng obispo, mahalagang hingin sa Diyos ang tulong upang mapanatiling ligtas ang bawat isa mula sa nakahahawang sakit.

“Kailangan natin ang ibayong tulong na galing sa langit, mula sa Diyos at maging sa ating mga Filipino saints [San Lorenzo at San Pedro Calunsod] na pangalagaan tayo kasi nandiyan lagi yung panganib, na hindi tayo magpatalo sa takot at malampasan natin ang anumang krisis ng buhay,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 141,734 total views

 141,734 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 171,958 total views

 171,958 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 198,604 total views

 198,604 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 293,577 total views

 293,577 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 305,368 total views

 305,368 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top