Radio Veritas 846, nagpaabot ng dasal at pakikiramay sa naiwang pamilya ni Fr. Sonny Ramirez

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,334 total reads

Ipinagluluksa ng Dominican Province of the Philippines ang pagpanaw ni Fr.Erasmo “Sonny” Ramirez,OP, na kilalang spiritual adviser ng mga public figure sa bansa.

Sumakabilang-buhay ang kilalang paring Dominikano sa edad na 74 na taong.

Si Fr. Ramirez ay nagtapos sa Colegio de San Juan de Letran at isa sa Letran Grandes Figuras Awardee noong taong 2017.

Isa rin si Fr. Ramirez sa mga nagtatag ng Oasis of Love Charismaric Community noong 1988 at isa sa mga founding preachers ng ‘Siete Palabras’ na isang Lenten tradition tuwing Biyernes Santo na pag-alala at pagninilay sa ‘Huling Pitong Wika ni Hesus’.

Pumanaw ang Pari noong Sabado ng tanghali ika- 10 ng Oktubre dahil sa acute myocardial infractions at aspiration to pneumonia.

Unang naging matagumpay ang pagsailalim ni Fr. Ramirez sa kidney transplant procedure ngunit tumanggi na ito na sumailalim sa heart surgery nang makitang may bara sa kanyang puso dahil sa pagiging diabetic.

Isang burial mass ang gagawin para kay Fr. Ramirez ganap na alas-tres ng hapon sa ika-12 ng Oktubre na maaring matunghayan sa live streaming ng Dominican Province of the Philippines Official facebook.

Magdiriwang sana ng kanyang ika-75 taong kaarawan si Fr. Ramirez sa darating na ika-31 ng Oktubre.

Nagpaabot naman ng dasal at pakikiramay ang pamunuan ng Radio Veritas sa mga naiwang mahal sa buhay ng Priest icon.

Matatandaang naging anchor producer si Fr.Ramirez ng “Buklod Bayan program” sa Radio Veritas 846 na noo’y DWRV 846 kasama ng namayapang program director na si “Tatang” Orly Punzalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 113,807 total reads

 113,807 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 158,054 total reads

 158,054 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 207,807 total reads

 207,807 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 367,004 total reads

 367,004 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 388,912 total reads

 388,912 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top