Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Patuloy na pananamantala sa mga katutubo, ikinalulungkot ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 544 total views

Pamahalaan, hinamong itaguyod ang kapakanan ng mga katutubo

Nais ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maipahayag, makilala, mapangalagaan at maitaguyod ang karapatan ng mga Indigenous Cultural community sa bansa.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Vice Chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Indigenous Peoples at Kalibo Bishop Jose Corazon Tala-oc, sa paggunita sa Indigenous Peoples’ Sunday at pagtatapos ng Season of Creation sa bansa.

Ayon kay Bishop Tala-oc, ang mga katutubo sa ating bansa ay kadalasang pinagkakaitan ng karapatan kahit na kinikilala at nakasaad sa Indigenous Peoples Rights Act (IPRA).

“We would like to express and recognize, protect and promote the rights of our Indigenous cultural communities. However, we also know our brothers and sisters in the communitites are deprived of all these benefits kahit na ito ay recognized ng law in the Philippines, ng IPRA,” pagninilay ni Bishop Talaoc.

Sinabi ng obispo na hindi man lamang dumadaan sa maayos na pakikipag-usap sa mga katutubo ang mga malalaking kumpanya bago isagawa ang mga proyekto tulad na lamang ng pagmimina.

Ikinalulungkot ni Bishop Talaoc na mas pinagtutuunan pa ng pansin ang pagpapaunlad sa ekonomiya na makaaapekto sa mga katutubong naninirahan sa mga kabundukan at kagubatan, sa halip na tingnan ang masamang epekto nito.

“Wala man lang consultation at times magsagawa ng dam. Minsan pinayagan ang pagmimina and the hope for economic development, pero hindi tinitignan ang karanasan o ang sitwasyon ng ating mga katutubo,” ayon sa obispo.

Hinikayat naman ni Bishop Tala-oc ang mga namumuno sa bansa na kilalanin at pahalagahan ng mga ito ang mga lupaing ninuno ng mga katutubo maging ang pagkilala sa mga ambag nito lalo na sa kultura ng bansa at pangangalaga ng kalikasan.

Nasasaad sa Laudato Si ni Pope Francis na ikinalulungkot nito ang sapilitang pagpapaalis sa mga katutubo sa kanilang mga lupain upang makapagsagawa ang mga makapangyarihang kumpanya ng pagmimina at abusuhin ang iba pang likas na yaman ng kanilang lupain.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,655 total views

 88,655 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,430 total views

 96,430 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,610 total views

 104,610 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 120,107 total views

 120,107 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 124,050 total views

 124,050 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 2,978 total views

 2,978 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 4,426 total views

 4,426 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top