Radio Veritas 846, nagpaabot ng dasal at pakikiramay sa naiwang pamilya ni Fr. Sonny Ramirez

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,014 total views

Ipinagluluksa ng Dominican Province of the Philippines ang pagpanaw ni Fr.Erasmo “Sonny” Ramirez,OP, na kilalang spiritual adviser ng mga public figure sa bansa.

Sumakabilang-buhay ang kilalang paring Dominikano sa edad na 74 na taong.

Si Fr. Ramirez ay nagtapos sa Colegio de San Juan de Letran at isa sa Letran Grandes Figuras Awardee noong taong 2017.

Isa rin si Fr. Ramirez sa mga nagtatag ng Oasis of Love Charismaric Community noong 1988 at isa sa mga founding preachers ng ‘Siete Palabras’ na isang Lenten tradition tuwing Biyernes Santo na pag-alala at pagninilay sa ‘Huling Pitong Wika ni Hesus’.

Pumanaw ang Pari noong Sabado ng tanghali ika- 10 ng Oktubre dahil sa acute myocardial infractions at aspiration to pneumonia.

Unang naging matagumpay ang pagsailalim ni Fr. Ramirez sa kidney transplant procedure ngunit tumanggi na ito na sumailalim sa heart surgery nang makitang may bara sa kanyang puso dahil sa pagiging diabetic.

Isang burial mass ang gagawin para kay Fr. Ramirez ganap na alas-tres ng hapon sa ika-12 ng Oktubre na maaring matunghayan sa live streaming ng Dominican Province of the Philippines Official facebook.

Magdiriwang sana ng kanyang ika-75 taong kaarawan si Fr. Ramirez sa darating na ika-31 ng Oktubre.

Nagpaabot naman ng dasal at pakikiramay ang pamunuan ng Radio Veritas sa mga naiwang mahal sa buhay ng Priest icon.

Matatandaang naging anchor producer si Fr.Ramirez ng “Buklod Bayan program” sa Radio Veritas 846 na noo’y DWRV 846 kasama ng namayapang program director na si “Tatang” Orly Punzalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 29,196 total views

 29,196 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 51,201 total views

 51,201 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 75,543 total views

 75,543 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 99,177 total views

 99,177 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 132,769 total views

 132,769 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top