Paglalagay ng bakod sa Masungi Georeserve, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 718 total reads

Ikinabahala ng makakalikasang grupo ang muling paglalagay ng ilegal na bakod sa bahagi ng Masungi Georeserve na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Center for Environmental Concerns-Philippines, Executive Director Lia Mai Torres-Alonzo, nakababahala ang ginawang ito sa lugar kung saan mayroon pang mga armadong lalaki na nagbabantay.

“We are concerned with the recent fencing of an area of the Masungi Georeserve, especially the presence of armed men reportedly having high-powered weapons,” pahayag ni Torres-Alonzo sa panayam ng Radyo Veritas.

Nanawagan naman ang grupo sa Department of Environment and Natural Resources maging sa pamahalaang lalawigan ng Rizal na magsagawa ng agarang aksyon at imbestigasyon kaugnay nito.

Ayon pa kay Torres-Alonzo, isang inspirasyon para sa mga makakalikasan ang ginagawang pagsisikap at adbokasiya ng Masungi Georeserve.

Ikinalulungkot ng grupo kung ito’y mapipigilan ng mga makapangyarihang kumpanya na maipagpatuloy ang kanilang tungkulin na na pangangalaga sa kalikasan.

“The rehabilitation efforts and advocacy work of the Masungi Georeserve has been an inspiration for many environmental advocates. It would be unfortunate if they would be hindered to reach the full potential of their work,” ayon kay Torres-Alonzo.

Ang Masungi Georeserve ay isang award-winning conservation project na naging kilala bilang eco tourism site sa bayan ng Baras sa lalawigan ng Rizal.

Maliban sa eco-tourism efforts ng grupo, patuloy naman nitong isinasagawa ang pagtatanim ng mga punong-kahoy na napigilan lamang dahil sa pagpuputol ng mga puno at quarrying.

Ito rin ang ikalawang beses ngayong taon na naglagay ng mga bakod sa Masungi.

Ayon sa catholic social teaching, bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangang ang kitang ito’y nakakamit nang hindi nasasakripisyo o naaapektuhan ang bawat mamamayan lalung-lalo na ang kalikasan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 15,561 total reads

 15,561 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 33,017 total reads

 33,017 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 72,985 total reads

 72,985 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 107,112 total reads

 107,112 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 163,518 total reads

 163,518 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,511 total reads

 178,511 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top