Tugunan ang suliraning panlipunan at itigil ang red-tagging, panawagan ng obispo

SHARE THE TRUTH

 475 total views

Umapela ang Church People-Workers Solidarity sa pamahalaan na itigil na ang patuloy na pag-uugnay sa ilang mga indibidwal na kaanib ng makakaliwang grupo o red-tagging.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza-chairperson ng Church People-workers, ito ay nag-aanyaya lamang ng karahasan sa mga taong iniuugnay sa komunistang grupo.

Pagbabahagi pa ng obispo, nakababahala ang red-tagging kung saan maging ang mga lingkod ng simbahan ay hindi rin ligtas sa mga maling paratang nang pakikisangkot sa mga makakaliwa at komunista.

“So, no one is spared now, I hope they stop red-tagging and really focus on addressing the root cause of the problem,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag pa ng obispo na siya ring vice-chairman ng NASSA/Caritas Philippines, sa halip na tutukan ang red-tagging sa mga kritiko bilang mga kalaban ng administrasyon ay mas dapat tutukan ang pagtugon sa mga suliraning panlipunan na nagpapahirap sa mamamayan.

Sinimulan na ng senado ang imbestigasyon sa red-tagging o ang pagdadawit ng militar sa ilang mga personalidad at grupo ng mga kababaihan sa mga rebeldeng komunista.

Isa sa mga ipinatawag ng senado ay si Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. antonio Parlade Jr., na nag-ugnay sa ilang mga artistang babae bilang mga kaanib ng mga komunista base sa kanilang mga personal social media account.

Nanawagan rin si Bishop Alminaza sa lahat na maging mapagmatyag at mapagbantay upang maproteksyunan ang mga nadadawit sa red-tagging na karamihan ay ang mga pumupuna sa kawalan ng katarungang panlipunan at patuloy na paghihirap ng mga mamamayan.

“I think ang panawagan ko siguro is to be vigilant and to keep calling for protecting itong ating mga kapwa na sinisikap lang na umahon tayo sa kahirapan at mapaganda naman yung pamumuhay nung ating kababayan na mahihirap ay nire-red-tag pa sila. So I don’t know pwede sa social media o whatever means that we can organized to protect this people but part of it is really exposing and talking it [para mapigilan ang anumang karahasan laban sa mga na-red-tag],” dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 3,764 total views

 3,764 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 41,574 total views

 41,574 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 83,788 total views

 83,788 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 99,317 total views

 99,317 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 112,441 total views

 112,441 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 15,644 total views

 15,644 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top